Monday , December 23 2024

Soros-funded NGO sponsor ng UN event (Naglabas ng Leni video)

PINONDOHAN ni American billionaire George Soros ang US-based Drug Reform Coordination Network (DRCNet) Foundation, na sponsor ng forum sa Vienna, Austria, na naglabas ng video message ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na ang DRCNet Foundation ay kabilang sa 24 organisasyon na bumuo sa Coalition for Compassionate Leadership on Drug Policy, nagsulong upang baligtarin ang US drug laws at gawing legal ang drugs.

Aktibo umano, ayon kay Sue Rusche, executive director ng Georgia-based group National Families in Action, ang koalisyon sa pagharang sa appointment ni John Walters, bilang director ng Office for National Drug Control Policy, ng administras-yong Bush.

Pinalaganap aniya sa media ng koalisyon ang “critical report” laban kay Walters bago siya isalang sa confirmation hearing ng US Senate Judiciary Committee.

Sinabing kasabwat ni Soros noon sa pagkilos kontra kay Walters sina Peter Lewis, CEO ng Progressive in Ohio, at John Sperling, may-ari ng University of Phoenix.

Si Soros na lang ang nabubuhay sa kanilang tatlo.

Ang DRCNet ang pangunahing sponsor sa forum na Human Rights Challenge: Responding to Extrajudicial Killings in the Drug War, na ipinalabas sa UN anti-drug conference sa Vienna, Austria noong nakalipas na Huwebes.

Nauna nang ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sina Soros at Fil-Am businesswoman Loida Nicolas-Lewis, ang gumagastos sa mga grupong nais siyang pabagsakin.

Sina Soros at Nicolas-Lewis ay pawang supporters ng talunang Democrat presidential bet Hillary Clinton.

Si Nicolas-Lewis ay pangunahing tagasuporta ng Liberal Party.

Nagbabala si Duterte noong nakaraang linggo, na kakasuhan ng rebel-yon ang mga taga-Amerika na sangkot sa destabilisasyon laban sa kanya kapag tumapak sa Filipinas.

Habang si House Speaker Pantaleon Alvarez ay nagbantang sasampahan ng impeacent complaint si Robredo dahil sa aniya’y paghahasik ng kasinungalingan sa ibang bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *