KASABAY nang pagbibigay seguridad kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa First Family, pangungunahan din ni Presidential Security Group (PSG) chief, B/Gen. Rolando Bautista ang giyera kontra-terorismo sa Basilan at Sulu.
Kamakalawa, isinagawa ang turn-over ceremony sa 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, at pinalitan ni Bautista bilang pinuno si Maj. Gen. Gerardo Barrientos.
Tahimik pa ang Palasyo kung may napili na si Pangulong Duterte na kapalit ni Bautista bilang PSG commander.
(ROSE NOVENARIO)