Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Graham Russell ng Air Supply, humanga kay Noven

NAPANOOD ni Graham Russell, member ng singing duo na Air Supply ang performance ni Noven Belleza sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan sa You Tube. Kinanta ni Noven ang tatlong hit songs ng Air Supply, ang The One That You Love, Now and Forever, at Without You.

Na-impress si Graham sa performance ng binata na isang magsasaka sa Negros Occidental, kaya naman ipinaabot niya ang pagbati sa pamamagitan ni Danee Samonte, producer ng kanilang concert sa Manila.

Na nag-email naman si Danee kay Amy Perez, isa sa hosts ng It’s Showtime, para iparating ang pagbati ni Graham kay Noven.

Sabi ni Danee sa email niya kay Amy, ”Good morning Chang. I just received an email from Lord Graham Russell of Air Supply. He wants to extend his congratulations to the winner of Tawag ng Tanghalan.”

O ‘di ba, bongga si Noven, napahanga niya si Graham?

In fairness naman kasi sa binata, talagang ang galing-galing niya noong kantahin ang medley songs ng Air Supply. At marami siyang pinaiyak sa performance niyang ‘yun.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …