NUMBER one drug lord at hindi political prisoner.
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Leila de Lima na iginigiit na siya ang kauna-una-hang political prisoner pero nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.
“Hindi natin alam na ang number one drug lord pala nasa gobyerno, mga generals pati iyong… Hanggang nga-yon, denial pa. Political prisoner? Gaga ka ba? Anong political prisoner? Hindi ako interesado magpakulong ng… Magyawyaw ka riyan kung gusto mo…pero nasira tayo,” ani Duterte patungkol kay De Lima.
Sinimulan kahapon ng Korte Suprema ang oral arguments sa kaso ni De Lima bunsod ng hirit ng senadora na palayain siya at ipatigil ng Kataastaasang Hukuman ang pagdinig sa kanyang illegal drugs case.
Kamakalawa’y tinukoy ni House Speaker Pantaleon Alvarez si De Lima bilang number one drug lord at public enemy number one.
“In fact po, nakakulong na po ang number one, public enemy number one — ‘yung number one drug lord sa buong Filipinas ay nakakulong na po. Ito ay ‘yung dating Senadora natin na si Leila De Lima,” ani Alvarez.
(ROSE NOVENARIO)