Sunday , December 22 2024

Pagsasalegal sa Marijuana umarangkada

UMARANGKADA na sa House Committee on Health ang talakayan para gawing legal ang paggamit ng Marijuana bilang gamot, upang makatulong sa mara-ming pinahihirapan ng iba’t ibang malalang sakit.

Sa panukalang batas na inihain ni Isabela congressman Rodolfo Albano III kaugnay ng wastong paggamit ng medical marijuana ay magtatalaga ng manggagamot at caregiver na may sapat na kaalaman ukol dito, bukod pa sa pagkakaroon ng medical cannabis compassionate center.

Pipili ng pasyente na karapat-dapat sa medical marijuana at bibigyan ito ng identification card. Titiyakin din na hindi mabubunyag ang pagkaka-kilanlan ng mga pasyente upang hindi sila maging biktima ng diskriminasyon at lait-laitin ng kanilang kapwa.

Libo-libong pasyente na nagdurusa sa mga seryosong karamdaman ang matutulungan umano kapag ginawang legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Tinukoy ni Representative Seth Jalosjos ang lumabas sa 2012 report ng International Agency for Research on Cancer na may 98,200 bagong kaso ng cancer sa loob ng isang taon sa bansa habang 59,000 ang namamatay sanhi ng cancer taon-taon.

Batay umano sa ilang pag-aaral, ang cannabis ay nakatutulong sa epilepsy, multiple sclerosis, cancer at paggamot ng arthritis at sa mga sintomas na may kaugnayan sa HIV AIDS.

Ang Israel, Canada at Czech Republic ay nagpatibay na umano ng mga batas na nag-aalis sa pananagutang kriminal sa paggamit ng marijuana bilang gamot at itinakda kung sino-sino lamang ang papayagan gumamit nito.

Hindi maiiwasang kumontra ang maraming mamamayan kung gagawing legal ang marijuana dahil hanggang ngayon, isa ito sa mga ipinagbabawal na gamot na sumira sa maraming kinabukasan at isinusuka ng sambayanan.

Pero tanggapin natin ang katotohanan na iba at makabago na ang panahon. Dahil sa siyensiya, ang mga dating ipinagbabawal ay natutuklasang mayroon palang pakinabang at nababago ang estado.

Kung totoong makatutulong ito sa maraming sakit at makapagpapahaba ng buhay ng mga pasyenteng tinaningan na o kaya ay nagdurusa sa araw-araw ay bakit hindi natin subukan?

Pero alalahanin din ang punto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lutasin muna ang mga regulasyon na ipatutupad sa mga plantasyon nito at tiyakin na hindi ito maabuso bago gawing legal.

Malaki kasi ang posibilidad na maabuso ito ng iilan at pagkitaan para sa pansarili nilang interes.

Kapag nangyari ito ay parang kumuha lang tayo ng bato na ipinukpok sa sarili nating mga ulo.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *