IBINITIN ng bicameral Commission on Appointments na pinamumunuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao ang pag-aapruba sa nominasyon ng kilalang mapagmahal sa kalikasan na si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa mariing pagtutol ng mga kompanyang nagmimina sa bansa.
Walong oras na magiting na idinepensa ni Lopez sa komisyon ang kanyang desisyon na ipatupad nang masinop ang batas sa pagmimina dahil ang walang respetong pagmimina ng mga dambuhalang kompanya ang sanhi ng maraming trahedya sa kalikasan na ikinamatay nang libo. Ga-yonman sa kabila ng kanyang malabayaning paninindigan ay sinuspendi ng boksingerong senador ang hearing ng komisyon. ‘Ika nga nauwi sa wala ang mga ipinahayag ni Lopez.
Ayon kay Pacquiao ay ‘pag-uusapan muna’ ng mga miyembro ng komisyon ang concern at ang mariing pagtutol ng mga kompanya ng pagmimina sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lopez. Pero may pahiwatig na hindi pa man nag-uusap ang mga miyembro ng komisyon ay uupuan na ni Pacquiao at mga kapanalig nito ang papel ni Lopez na nakabinbin.
“Definitely ma-ba bypass (siya). The President has to reappoint her,” ito ang walang pag-aalinlangang sinabi ni Pacquiao sa mga mamamahayag na dumalo ng hearing ng komisyon kaugnay sa nominasyon ni Lopez.
Tapos na ang boksing…
* * *
Ano kaya ang tunay na dahilan bakit inuupuan ni Pacquiao ang papel ni Lopez? Dahil nga kaya sa pagtutol ng mga sinasabing maaapektohang maliliit sa mga polisiya ni Lopez o dahil sa kumakalat na kuwento sa social media na ibig pumasok ni Pacquiao sa negosyo ng pagmimina kasosyo ang isang makapangyarihang politiko mula sa norte?
Hindi natin alam kaya abangan natin ang susunod na kabanata.
* * *
Marami ang nagulat sapagkat sa pagkakataong ito ay sa panig ng kasaysayan umayon si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng kanyang ipinakitang pagtutol sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan.
Hindi alam ng Usaping Bayan ang dahilan sa likod ng pasya ni GMA na tutulan ang pagbabalik ng parusang kamatayan pero ano man iyon ay masasabi ng mga mulat na kritiko na tama ang kanyang ginawa sa pagkakataong ito.
* * *
Binomba na nga at pinakain pa ng tira-tirahan tapos ngayon sinisingil pa dahil bombang nagamit at pagkain na ‘di nakain ng tao. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sawww.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK