Wednesday , October 9 2024

Laborer ng Manila Water nahulog sa hukay, patay

PATAY ang isang lalaki nang mahulog at matabunan sa hinuhukay niyang paglalagyan ng tubo, sa Jacinto St., UP Diliman, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang bilang si Jonathan Sinangote, construction worker ng Manila Water.

Nakatayo ang biktima malapit sa hukay nang biglang gumuho ang kanyang tinatapakan.

Tinangkang iligtas ang biktima ng kanyang kasamahan na si Alejandro Ponce, gamit ang isang backhoe.

Ngunit sa paghukay, tinamaan ng ngipin ng backhoe sa mukha ang biktima, pinaniniwalaang sanhi ng pagkamatay ni Sinangote.

Tumangging magbigay ng panayam si Ponce, at ang Manila Water.

Nangako ang kompanya na ibibigay ang buong detalye ng insidente makaraan ang imbestigasyon.

About hataw tabloid

Check Also

DMFI Partylist Daniel Fernando

 DMFI Partylist nag-file ng COC 

SA ika-pitong araw, ang mga kinatawan ng Damayang Filipino Movement Incorporated (DMFI) mula sa lalawigan …

Cynthia Villar Manny Villar Mark Villar Camille Villar

Dahil sa adbokasiyang agrikultura  
KONGRESO HINDI CITY HALL TARGET NI SENADORA CYNTHIA SA 2025 LOCAL ELECTIONS

BITBIT ang kanyang ipinagmamalaking adbokasiya para sa agrikultura, tila nagpatutsadang sinabi ni Senator Cynthia Villar …

Imelda Aguilar April Aguilar Alelee Aguilar

Walang atrasan
PAMILYA AGUILAR NAGHAIN NG COC PARA SA LOKAL NA ELEKSIYON SA 2025

OPISYAL nang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina incumbent Mayor Mel Aguilar, Vice …

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *