Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, very casual at relaxed ‘pag nasa bahay ni Ate Vi

SA isang panayam kay Congw. Vilma Santos-Recto, sinabi niya na madalas bumisita sa bahay nila si Jessy Mendiola na girlfriend ng anak niyang si Luis Manzano.

“Kapag Sunday nagdi-dinner sila rito sa bahay, and that’s the time na nagkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap-usap, ‘yung family bonding ba?”kuwento ni Ate Vi.

Ayon pa sa award-winning actress, maganda ang pakikitungo nila ni Jessy sa isa’t isa, pero aminado siyang kinikilala pa niyang mabuti ang dalaga. Ito ay sa kabila ng balitang may ilangan sa dalawa. Wala raw talagang problema sa kanila.  Kapag nasa bahay naman nila si Jessy ay at ease naman ito sa kanila.

“Very casual, relaxed naman siya.”

Dagdag pa ni Ate Vi, masaya ngayon si Luis sa piling ni Jessy.

“Ang pinaka-importante lang is nakikita mong masaya sila, masaya ang anak ko, at masaya si Jessy. Iyon ang importante sa akin.”

Speaking of Luis, hindi siya nagmamadaling pakasalan si Jessy.

“Our love story is very, very steady, but I’m not forgetting the fact she’s only 24. So para sa akin, I completely understand the fact that she still has so many responsibilities for herself, for her family. And I will never take that away from her,” sabi ni Luis.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …