Saturday , November 16 2024

P3-B areglo ng Mighty Corp. hirit ni Duterte (Tax evasion ibabasura)

031017_FRONT
HUMIHIRIT ng tatlong bilyong pisong areglo si Pangulong Rodrigo Duterte para makalusot sa tax evasion case ang may-ari ng Mighty Corp.. na si Alex Wong Chu King.

“I will forget about the printing of 1.5 billion worth of fake stamps. I will agree to this: Pay double, I’ll forget about it. Anyway, I assure him that if someone in power pursues the case, I can always pardon him,” ani Duterte kahapon.

Ilalaan aniya ang P3-B  para sa rehabilitasyon ng mga ospital sa bansa, tig-isang bilyon sa Basilan at sa Jolo at sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila.

Ang Mary Johnston Hospital ay nasa pa-mamahala ng The United Methodist Church.

Paliwanag ng Pangulo, nag-alok ng P1.5 bil-yon si Wong Chu King para iatras ng gobyerno ang kaso laban sa kanya pero hindi siya payag dahil lugi ang pamahalaan.

“Here’s the deal. He offered 1.5, which is definitely unacceptable to me. There was deceit. So, he needs to give double. He should offer three billion. He should give one billion for Basilan. He should give it directly to the Secretary of Health, not to me, because I want to fix the hospital there. One billion for Jolo because I also want to fix the hospital there. Then in Manila, one billion for Mary Johnston Hospital in Tondo. Three billion and we’re settled. Tell him,” anang Pangulo.

“This is my proposal to him. His lawyers said tax evasion. I said falsification. But if it was part of the tax evasion case, I will agree. Tax cases can be compromised. It can be settled if it’s only tax liability. When you failed to pay your taxes, intentionally or unintentionally, you can settle it. The law allows settlements, compromise. That’s the word of the law,” dagdag niya.

Nitong Miyerkoles ay ipinaaaresto ni Duterte si Wong Chu King ngunit sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) at nakauwi na hindi nasampahan ng kaso.

Napaulat na dalawang presidential appointees ang nagsilbing padrino ni Wong Chu King sa Palasyo.

ni ROSE NOVENARIO        

 ‘LOOKOUT  BULLETIN’
VS MIGHTY CORP. OWNER

NAKAALERTO ang Bureau of Immigration (BI), kasunod nang pag-isyu ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ng lookout bulletin order laban sa may-ari ng Mighty Corp. at kanyang kapatid, kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong smuggling at sa economic sabotage.

Sa isang memorandum, may petsang 7 Marso, iniutos ni Aguirre sa BI na i-report sa kanya o sa Prosecutor General, kung tatangkaing lumabas ng bansa ni Alexander Wong Chu King at Ceasar Dy Wong Chu King.

Ngunit walang bisa ang nasabing lookout bulletin kung nais ng magkapatid na lumabas ng bansa.

Kung maaalala, nahaharap ang nasabing kompanya sa kasong smuggling at economic sabotage, makaraan makom-piska ng Bureau of Customs (BoC) sa isinagawang raid sa General Santos City at sa San Simon, Pampanga, ang mahigit P2 bilyon halaga ng mga pakete ng sigaril-yo, mula sa Mighty Corp., gamit ang pekeng tax stamp.

Kamakailan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Wong Chu King, dahil sa economic sabotage.

Noong isang araw, nagpakita si Alexander Wong Chu King sa opisina ni Aguirre at National Bureau of Investigation Dir. Dante Gierran ngunit hindi inaresto dahil wala pang naisasampang kaso.

3 EMPLEYADO ARESTADO
SA ITINAPON NA EXPIRED
NA YOSI NG MIGHTY

HULI sa aktong nagtatapon ng kahon-kahong expired na sigarilyo sa isang tambakan ng basura, ang tatlong empleyado ng Mighty Tobacco Corporation, ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sa Parañaque City, nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo, ang tatlong hinuli na sina Elmer Quintero, 46, dri-ver; Junmar Luna, at Jhon Rey Linatoc, kapwa pahinante,  pawang ng Cupang, Muntinlupa City.

Kasong paglabag sa Presidential Decree No. 825 (Improper Disposal of Garbage), ang isasampang kaso laban sa tatlo sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Base sa ulat ng pulis-ya, dakong 5:00 pm ang maaktohan ang mga suspek habang nagtatapon ng kahon-kahong sigarilyo na lulan ng aluminum closed van, sa tambakan ng basura sa Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Dionisio ng nasabing lungsod. (JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *