ISANG mayabong na pook ang Filipinas para sa paglilinang ng mga katangi-tangi at bayaning kababaihan.
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdiriwang kahapon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.
Anang Pangulo, mataas ang grado ng Filipinas sa rehiyong Asya-Pasipiko sa isyu ng gender equality.
“We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground for outstanding women in various sectors. The Philippines ranks high in the Asia Pacific region and in the world in terms of gender equality,” sabi ng Pangulo.
Maraming henerasyon na aniya ang naging saksi kung paano ginampanan ng kababaihan ang kanilang papel sa pag-ugit ng lipunan, bilang mga ina, manggagawa, intelektuwal, guro, caregiver, sundalo, aktibista, artist at pinuno.
“Generations have been witness to the amazing ways by which women have transformed societies by playing the role of mothers, workers, intellectuals, educators, caregivers, soldiers, activists, artists and leaders. Indeed, women are heroes,” dagdag ng Punong Ehekutibo.
“The entire world can look up to women — for their creativity and imagination, for their courage and boldness, for their self-sacrifice and charity. My administration shall strive to maintain this distinction as well as continue to recognize their invaluable contributions in sports, science, governance, education, public service and the arts.”
Nauna nang inamin ni Pangulong Duterte, impluwensiya sa kanya ng inang si Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte ang maka-kaliwang paniniwalang politikal at magandang relasyon sa New People’s Army (NPA) .
“When I became mayor at the crossroads of the revolution of EDSA at itong mga NPA and ang relasyon ko sa NPA was really very good because of my mother. She used to go to the mountains kilala niya lahat. And sometimes bumababa lalo na ‘yung mga madre na kung saan-saan nanggaling, wala namang dormitoryo, mga NPA rin pala, they would go to the house for the night,” paliwanag ng Pangulo.
Si Nanay Soling, isang dating guro, ang namuno sa Yellow Friday Movement, isang kilusang kontra-Marcos sa Mindanao bago naganap ang People Power 1 Revolution.
Naging aktibo rin siya sa Soledad Duterte Foundation, na nagturo ng livelihood at skills training sa indigenous people sa Marahan, Davao City.
Pumanaw si Nanay Soling sa edad na 95 noong 4 Pebrero 2012.
Sa rally ng Gabriela women’s party kahapon sa Maynila, nanawagan sila sa administrasyong Duterte na tuparin ang mga pangako, lutasin ang ugat ng armadong tunggalian, at kahirapan sa bansa, at isulong ang isang independent foreign policy.
(ROSE NOVENARIO)