Saturday , November 16 2024

22 new pres’l appointees itinalaga

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Samule Martires bilang bagong associate justice ng Korte Suprema.

Papalitan ni Martires si Justice Jose Perez, ang kauna- una-hang homegrown justice ng Supreme Court.

Inihayag din kahapon ng Palasyo, ang pangalan ng 21 appointee na itinalaga ni Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan.

Nangunguna sa listahan ang kontrobersiyal na dating propesor ng University of Sto. Tomas na si Jose David Lapuz  bilang Presidential consultant for education and international organization.

Matatandaan, unang lumutang ang pangalan ni Lapus bilang chairperson ng Commission on Higher Education kapalit ni Patricia Licuanan.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Taguig Mayor Laarni Lopez-Cayetano bilang kinatawan ng local government sa Legislative-Executive Development Advisory Council, habang magiging kinatawan ng youth sector Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) si National Youth Commission chairperson  Aiza Seguerra.

Maging ang sikat na furniture designer na si Kenneth Cobonpue ay itinalaga ni pangulong duterte bilang co-chairperson ng Central Visayas NEDA regional development council.

Itinalaga ng pangulo si Phivolcs Director Renato Solidum bilang undersecretary ng Department of Science and Technology.

Umugong ang pangalan ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Francis Tolentino para sa Department of the Interior and Local Government (DILG), bilang kalihim ngunit hindi pa ito kinompirma ng Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *