Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jim Paredes, sinasayang ang energy sa pakikipag-away

DINALUYONG ng mga batikos si Jim Paredes sa kanyang inasal nang harapin at awayin niya ang may pitong kabataang maka-Duterte noong nakaraang selebrasyon ng Edsa People Power.

Pero sa isang banda, bagamat maangas nga ang dating ni Jim, ang mga kabataang ‘yon could also be faulted. Una, alam ng mga ito na ang isa sa mga agenda ng malawak na mass action na ‘yon ay para ikondena ang EJK na ina-attribute sa Duterte administration.

Knowing na outnumbered siyempre ang mga maka-Duterte ng kung tawagin ngayo’y mga Dilawan, bakit nangahas pang rumampa ang pitong kabataang ‘yon. Aware sila sa maaaring mangyari sa kanilang ginawa, hindi nga lang nila inasahang umeksena roon ang miyembro ng nabuwag nang Apo Hiking Society.

Mas matindi pa roon could have happened to those eight Barong Tagalog-clad boys, buti’t ‘yun lang ang inabot nila sa maangas na si Jim.

Speaking of Jim, mahusay na musikero ang ka-tandem noon nina Buboy Garovillo at Danny Javier. Masyado naman yata niyang sinasayang ang kanyang energies sa pakikipag-away sa mga hindi sang-ayon sa kanyang paniniwalang politikal.

Dapat ay alam ni Jim kung paanong igalang ang salungat na ideolohiya ng kanyang kapwa kung paanong malaya rin naman niyang naipahahayag ang kanyang mga kaisipan ng walang kumokontra.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …