TAHASANG sinagot ni Gerald Santos kung hindi ba siya nanghihinayang o naiinggit sa magandang singing career ni Jona (dating Jonalyn Viray) mula nang lumipat ang huli sa Kapamilya Network?
Sa mga hindi nakaaalam, first grand champion ng Pinoy Pop Superstar ng GMA7 si Jona at si Gerald naman sa second season.
“Siyempre, ayaw ko pong magpakaplastik o anuman. Kahit paano may kaunti kang panghihinayang na mararamdaman dahil siyempre gusto mo rin ‘yung ganoon na makalipat ka rin sana, na makapasok ka rin sa show na kinakantahan niya.
“Pero nangibabaw ‘yung…kasi halos mag-bestfriend na kami ni Jona, eh sa GMA halos magkasama kami niyan sa teleserye, sa ‘S.O.P.’ so, I’m really happy for.
“Her, sobrang saya ko para sa kanya. I wish her all the best doon and I’m very proud of her dahil natatanggap niya rin ‘yung deserved niya….’yung talentong taglay niya. At least, dala-dala niya ‘yung bandila namin ng ‘Pinoy Pop Superstar’, na talagang magagaling. Ha!ha!ha!,” deklara ni Gerald.
“At saka siyempre, ako naman may nilo-lookforward din ako, so, hindi parang sobrang mainggit man o manghinayang. ‘Yung sobrang napakaliit na percent na sumagi sa isip mo pero because we’re looking forward to something big ay hindi na ako para sumilip pa sa iba, kumbaga, ikompara ko pa ‘yung sarili ko sa iba. At saka, may kanya-kanyang panahon ‘yan, eh. Si Lord ay may inilaan para sa ating lahat,” pakli pa niya.
Anyway, may major concert si Gerald entitled Something New In My Life na gaganapin sa April 9 sa Skydome. Ito ay parte pa rin ng selebrasyonn niya para sa 10th anniversary sa showbiz. Sobrang saya niya dahil nakuha niyang guest si Regine Velasquez.
Mukhang maganda ang pasok ng 2017 sa kanya?
“Yes po, bumawi po siya.sana… finally,” tumatawa niyang pahayag.
“Nire-repackage rin namin ‘yung album ko, ‘Gerald Santos: Kahit Anong Mangyari.’ May mga idinagdag akong composition ko at may ilang additional din na composition si Kuya Cocoy (manager niya) na songs,” sambit niya.
Ano ang naramdaman niya noong hindi siya natuloy sa Broadway para sa Miss Saigon samantalang dumaan siya hanggang sa huling stage ng audition?
“Siyempre, nalungkot po pero siyempre hindi naman namin hawak ‘yun. But, of course, may malaki pa kaming nilo-look forward na isa pa. Hopefully, matuloy na roon,” saad pa niya.
Ito kaya ‘yung napapabalitang iikot siya sa United Kingdom?
Just asking!
TALBOG – Roldan Castro