Monday , December 23 2024

EDSA 1 ng dilawan nilangaw

TALAGANG patay na ang ‘demokrasya’ sa bansa base sa pananaw ng Liberal Party o mga tinaguriang ‘dilawan’ dahil nilangaw ang itinambol nilang malaking kilos-protesta kontra sa umano’y talamak na extrajudicial killings kasabay, nang pagdiriwang sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power 1 revolution kamakalawa.

Batay sa kalkulasyon ng mga awtoridad, umabot lamang sa 1,200 ang nagpunta sa rally na inorganisa ng mga dilawan, sa kabila nang presensiya sa okasyon ng LP stalwarts na sina dating Presidente Benigno Aquino III, Sens. Franklin Drilon at Francis Pangilinan sa People Power Monument.

Habang ang EDSA 1 anniversary ng pro-Duterte rally sa Luneta Grandstand na kasabay nito’y dinagsa ng 215,000 katao kahit hindi nagpunta si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagsusumikap si Sen. Risa Hontiveros na gumawa ng political drama kahit wala naman, nang ihayag ng senadora na ‘namatay’ na ang demokrasya nang arestohin si Sen. Leila de Lima.

“I think she is trying to create political drama where none exists ‘no,’ anang natatawang si Abella.

Dapat aniyang gugulin ni Hontiveros ang kanyang pagmamalasakit sa lipunan sa mas maayos na pananawa dahil masyadong makulay ang pang-unawa ng senadora sa politika.

“I think Ms. Rissa should spend her social capital on better things, okay. E maganda pa naman sana ‘yung ano niya, ‘yung kanyang pagka-sober but her political understanding seems to be too colored,” dagdag ni Abella.

Naniniwala ang Palasyo na isinusulong ng administrasyong Duterte ang tunay na diwa ng EDSA 1, ang pagtataguyod ng matatag na bansa at buhay na buhay ang demokrasya lalo na’t naging bahagi ang Pangulo at kanyang ina na si Soledad “Nanay Soling” Duterte sa People Power Revolution kahit hinuhubog pa lang ang sitwasyon tungo sa bloodless uprising.

Ibinahagi ni Abella ang kuwento ng dating Gabriela party-list representative at isa sa pinuno ng kilusan ng kababaihan sa bansa, na si Luz Ilagan, na si Nanay Soling ang kanyang inspirasyon.

Ani Ilagan sa kanyang Facebook page, si Nanay Soling ang orihinal na “Darna” dahil kaya niyang harapin ang mga tao na may iba’t ibang background, paniniwala at estado sa buhay.

Naalala ni Ilagan, hindi nangimi, tumayo at kinompronta ni Nanay Soling si noo’y Defense Secretary Juan Ponce Enrile, sa isang public forum noong panahon ng martial law.

Si Nanay Soling aniya ay isa sa mga haligi ng Yellow Friday Movement sa Davao, sa kasagsagan na ang kilusan sa pagbabago ay dalisay pa ang intensiyon, at walang kinikilingang partido.

“Luz Ilagan remembered how Nanay Soling stood up to confront then Defense Minister Juan Ponce Enrile in a public forum during martial law. Si Nanay Soling is the original, tawag nila “Darna,” transforming herself into a persona that dealt with different women of varying backgrounds, beliefs, and social status. Ano po siya, ‘yung kung ano siya ‘yun din ang nailipat sa kanyang anak. ‘Yung pagka-noted visionary, civic leader. At she was also by the way, one of the pillars of Davao’s Yellow Friday Movement at the height when the people movement was pure in the sense of being non-political but spoke of any intent, you know, serious national intent and not as a political color,” ani Ilagan sa kanyang FB page.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *