DAHIL nakatakdang i-phase out ang mga bulok na pampasaherong jeep, dapat alisin na rin ang mga bulok na traysikel. Marami sa lungsod ng Pasay. Nababahiran kasi ng kulay-politika, walang kumikilos kahit pa walang prangkisa sige pa rin ang pasada. Masyadong mapolitika ang lungsod ng Pasay, hinahayaan lang ang mga bulok na traysikel na mistulang mga lumang tarpaulin na lamang ang nakabalot na tapalodo,hindi kaya ito nakikita?
Kapag sumakay ka nakaangkas pa ang anak, ang asawa, na kababaho. Kapag ba nadisgrasya, uunahin ba ang pasahero ng drayber?
***
Tutal mayaman ang kaban ng lungsod ng Pasay,at mayayaman ang kaban ng mga asosasyon ng traysikel sa lungsod ng Pasay, bakit hindi hayaan i-develop ang personality ng mga driver. Bigyan ng vest na magiging uniporme kung anong samahan ng traysikel sila kabilang. Ang mahal mahal na ng pasahe, ang babantot pa!
MAY BAYAD PARA
MAALIS SA LISTAHAN
NG SCALAWAGS
Bakit may nakalulusot sa internal cleansing sa hanay ng ng police scalawags? Ayon sa aking informer, nagbabayad ang mga ito para hindi mapasama sa listahan ng police scalawags na ipadadala sa Basilan. Ito ang dapat imbestigahan ni PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa.
Sa harap ng PNP, kapwa PNP na ang nagbabayaran, parang kapareho ‘yan na kapag sangkot sa isang kaso ang isang miyembro ng PNP, sa Region pa lang nagkakabayaran na kaya ‘di na umaakyat sa katas-taasan. Kaya maraming scalawags na PNP ang patuloy pa rin na namamayagpag!
HABANG SI DUTERTE
ANG PRESIDENTE
‘DI MAKALALABAS
SI LEILA DE LIMA
Usap-usapan na habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidente, hindi makalalabas sa kulungan si Senadora Leila de Lima. Mahigit Limang taon pa sa kanyang panunungkulan ang Pangulo, medyo matagal din ‘yun! Naawa man ako kay De Lima, talagang ganyan ang buhay weder-weder lang! Kung meron man labis ang kasayahan sa pagkakakulong ng Senadora ,ito ay mga ipinakulong niya noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata