BUMUWELTA si Mocha Uson sa kanyang blog sa mga pahayag ni Edgar Allan Guzman.
“Wala akong sinabing basura ang programa mo o ang acting po. Sana pinanood mo muna yung FB LIVE ko bago ka nagsalita. Ipinalabas ang “rape scene” ng “ Ipaglaban Mo” na hindi ni-review ng MTRCB dahil may tinatawag na SELF-REGULATION ang TV NETWORKS na aking tinututulan. Noong ipinalabas ang “rape scene” na ‘yun ay nagkaroon ng NEGATIBONG REAKSYON ANG MGA MANONOOD at kanilang tinawag ang aking pansin bilang board member ng MTRCB. Ang tanong ng mga magulang/manonood ay kung paano ito nakalusot sa MTRCB at naipalabas sa TV dahil ang violent rape scene na ito ay hindi naaangkop sa kabataan.
“Mayroon tayong tinatawag na TV/MEDIA RESPONSIBILITY kung saan ang TV Networks ay dapat accountable sa kanilang mga ipinapalabas na programa at dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga manonood lalo na ang mga kabataan.
At dahil may MTRCB, responsibilidad ng ahensya na ito na proteksyonan ang mga kabataan mula sa mga hindi angkop na eksena/programa sa TV pati na rin sa pelikula. So sana bago ka mag react dyan pinanood mo muna ng mabuti ang FB live ko.
“ISA PA, babanggitin mo pa ang dalawang seksing pelikula na ginawa ko noon at ikukumpara mo sa programa mo sa telebisyon.? PARA SA KAALAMAN MO MAGKAIBA ANG PELIKULA AT TELEBISYON. Hindi basta-basta nakakapasok ang bata sa sinehan. Yung pinagtatanggol mo ay programa sa TV na nasa oras ‘yan kung saan napapanuod ng mga mga bata 12 years old pababa. Wala akong isyu sa acting mo. Ang isyu dito ay proteskyonan ang mga batang nanunuod. WALANG PERSONALAN.
#IkawAngUmayos #DoYourResearch ABS-CBN ABS-CBN News
At Mr Edgar Alan kung gusto mo ng konting RESPETO sa mga artistang Pilipino baka gusto mo rin konting RESPETO rin sa mga batang manonood.”
Binalikan din niya ang isang showbiz writer…
“Isa pa itong SHOWBIZ REPORTER sabi niya bakit daw SEXY lang ang issue ko sa TV. FYI Mr. SHOWBIZ REPORTER hindi lang po sexy ang issue ko nagkataon lang kabisado ko ang SEXY SCENES sa mga pelikula at programa dahil dati akong sexy artist. Alam ko po kung nagpapatigas lang ng kalamnan ng tao o kasama talaga sa istorya ang isang seksing eksena. WAG NA TAYONG MAG LOKOHAN. Minsan gusto lang magka- issue ang isang programa para pag-usapan at mas mabenta ito sa manonood. Hindi mo kailangan ng degree para malaman kung ang isang eksena ay may intension palibugin lang ang viewers. Pasensya na kayo yan ang past role ko sa mga pelikula kaya alam ko yan. Kaya diyan ako naka-focus. Pero hindi ko sinasabi yan lang ang dapat sitahin.”
TALBOG – Roldan Castro