Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald 4 na taong niligawan si Regine, makasama lang sa concert

HINDI diretsong sinagot ng tinaguriang Prince of Ballad na si Gerald Santos kung last concert niya ngayong taong ito sa Pilipinas ang  Something New In My Life, Ayaw pa niyang i-reveal at kompirmahin ang malaking proyekto niya na iikot sa United Kingdom.

“May inaabangan kaming isang napakalaking balita. Isang napakagandang outcome in the future pero right now,’yun lang muna. Basta abangan po nila ‘yan,”bitin na pahayag ng magaling na singer.

Basta ngayon, happy siya dahil finally ay nakuha niyang guest si Regine Velasquezsa April 9 sa Skydome. Apat na taon niyang niligawan si Regine kahit sa Music Museum at CCP concert niya pero  ngayon lang nag-swak ang schedule nila.

Isa si Gerald sa anak-anakan ni Regine mula nang mag-champion ito sa Pinoy Pop Superstar. Nakita niya kung paano ito nag-grow bilang singer. Tapos ay nakasama niya sa SOP at Party Pilipinas.

Kung matatagalan ulit, bago makapag-concert si Gerald sa Pilipinas ay ‘wag itong palampasin. Makakasama rin niya ang UP Concert Chorus. Ito ay sa direksiyon niFrannie Zamora, musical direction is by Jason Cabato at mula ito sa concept at panulat ni Direk Rommel ‘Cocoy’ Ramilo.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …