Friday , November 15 2024

Patutsadahan saan kaya patungo?

AYON kay Senatora Leila De Lima mga ‘igan, kriminal umano si Ka Digong. Ayon kay Ka Digong, “drug lord coddler” naman si De Lima. Maging si Senator Antonio Trillanes IV, aba’y panay-panay rin ang pag-arangkada sa kanyang mga expose kontra kay Ka Digong. Saan kaya patutungo ang patutsadahang ito mga ‘igan? May maitutulong ba ito sa pag-usad ng ating bayan?

Sa nangyaring press conference kamakailan lang mga ‘igan ni Senadora De Lima, aba’y tinawag niyang “socio-pathic serial killer” ang ating Pangulo. “Numero unong kriminal sa buong Filipinas kung hindi man sa buong mundo,” dagdag na banat ni De Lima.

At sus, sinabayan pa ng nanawagan ang Senadora sa iba’t ibang sektor ng lipunan, na gampanan nang maayos at tama ang kani-kanilang mga tungkulin. Aba’y teka ‘igan, hindi ba gumaganap nang tama sa kanilang mga tungkulin ng mga pulis at mga sundalo sa ating lipunan?

Ang mga abogado, isang sektor ng mga propesyonal, ay pinatamaan din ni De Lima. Aniya ano’t inabsuwelto umano ng DOJ ang mga drug lord sa mga kasong isinampa sa kanila sa Regional Trial Court? Ang dagdag pa ngayon sa isyung ito’y, binibigyan pa umano ni Ka Digong ng gantimpala ang mga naabsuweltong drug lord kapalit ang pagtestigo laban sa kanya. Aba’y may katotohanan ba ito mga ‘igan?

Bagamat sige nang sige ng banat si De Lima, inilinaw ng ale na hindi siya naghahamon ng away este ng pag-aaklas ng taong-bayan, bagkus nais niyang matutong manindigan ang sambayanan kontra o laban sa umano’y maling umiiral ngayon sa bansa.

Tahasang naninindigan si De Lima sa mga isyung kinakaharap. ‘Ika nga’y hindi niya aatrasan ang anomang laban sa kanyang buhay, lalong-lalo ngayong nadarama n’yang hindi siya nag-iisa. Hindi na maganda ang patutsadahang nangyayari ito. Ngunit, ano’t ano pa ma’y hindi ito pinapatulan ng Malacañang at walang naririnig na reaksiyon kay Ka Digong. ‘Ika nga, “no comment” he he he…

MBB AT MERALCO
NAGHARAP

Nag-courtesy visit mga ‘igan ang Meralco España-Tutuban sa opisina ng Manila Barangay Bureau (MBB) na kasalukuyang pinamumunuan ni MBB Director Arsenio A. Lacson Jr. Nagharap mga ‘igan sa nasabing “courtesy visit” si (outgoing) Assistant Director Ronaldo DL. Moriones kasama si (incoming) Assistant Director Renato R. Meneses ng Manila Barangay Bureau at si Me-ralco España-Tutuban Manager Jeffry Cochon, kasama sina Meralco-Tutuban Relationship Ma-nager Ryan Gutierrez, Meralco-España Relationship Manager Maphie Timbol at si Meralco-Malate Relationship Manager Maureen Ouano.

Layunin nito mga ‘igan na paigtingin pa ang pagiging magkatuwang sa pagbabahagi ng tulong sa sambayanang Manilenyo, partikular ang legal na elektrisidad na dumadaloy o dadaloy sa iba’t ibang barangay ng District I–VI ng Maynila at ang pagbibigay liwanag o pailaw sa Kamaynilaan. Ang tuloy-tuloy na magandang samahan at koordinas-yon sa pagitan ng MBB at Meralco mga ‘igan ay nagsisilbing ugat tungo sa mahalaga at makabuluhang mga proyekto at programa para sa kapa-kinabangan ng sambayanang Manilenyo.

Ganito rin mga ‘igan ang layunin at ang ginagawa ni Assistant Operation Engineer (AOE), Engr. Rogelio D. Ruiz Sr., ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na masigasig at determinado niyang nililibot ang kalakhang Maynila upang alamin ang mga nakatiwangwang na hukay sa mga kalsada at makialam sa napabayaan o pinabayaang kalye ng mga tiwaling contractor na sila ang may responsibi-lidad dito. Mabuhay ang tunay na mga lingkod-ba-yan, Mabuhay!

MONUMENTO
NI BONIFACIO
BINABOY

Matagal nang isyu mga ‘igan ang illegal terminal d’yan sa paligid ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Lawton. Hindi na nga iginalang, binaboy pa ng mga lintik na sangkot sa ilegal na gawain sa Plaza Lawton.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), legal umano ang terminal sa Plaza Lawton ng mga kolurum van at bus na biyaheng pro-binsiya. Ha? Kailan pa? Anong basehan ng mamang tulisan? He he he isang malaking wala ‘igan.

Ayon sa aking pipit, talaga namang malaking kitaan ang usapin dito, kaya’t hindi mabuwag-buwag. Pera-pera lang talaga mga ‘igan. Panahon na upang ituwid ang mga tiwaling lingkod-bayan. Ipiit sa rehas na bakal ang mga animal at pagdusahan ang katarantaduhang sinimulan.

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *