Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian at Kim, magpapakasal na?

BUONG ningning na sinagot ni Xian Lim kung kasal na ba sila ni Kim Chiu five yearS from now.

“Naku, kasal medyo malabo pa po ‘yun. Ha!ha!ha! Mas ano po ako, eh..marami pa po akong dapat  kaining bigas. Marami pang kailangang patunayan.Marami pa pong obstacles bago dumating po ‘yun,” pakli ng aktor.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin sina Xian at Kim.

Sey ni actor, may tamang panahon para umamin at kung ‘yung label lang ang hinihintay ng netizens. Pero marami naman ang nakaaalam kung ano ang real score sa kanila ni Kim.

Samantala, sa A Love To Last ay pumapasok pa rin sa third party si Xian kina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Pero ipinapanalangin niya na sana hindi naman siya ‘yung third party na kinakainisan. Sana maintindihan din ng netizens ‘yung sitwasyon niya.

Pero hindi rin alam ni Xian kung ano ang kahahantungan ng role niya sa  A Love To Last. Hindi pa sinasabi sa kanya. Pero mulat naman siya na serye talaga ito nina Bea at Ian.

Tinanong din si Xian kung inaral ba niya yung may punto siyang Batangueno sa serye. Hindi naman dahil nagawa na niya noon ‘yun sa isang episode ng MMK. Mayroon ding Batanguena sa set na nag-guide sa kanya niyong una. Nai-enjoy naman niya at nasasanay na rin sa paged-deliver ng ganoong punto ng pagsasalita.

Ano ang reaksiyon niya sa mga basher na napatunayan niyang marunong na siyang umarte at nagkaka-award na rin?

“Naku, hindi ko naman po kasi iniintindi ang mga basher. Pero, ano po marami pa po akong dapat malaman. Marami pa po akong dapat matutuhan. Sabi nga ni Ate Vi (Santos), sa itinagal-tagal niya sa industriya, marami pa rin siyang hindi alam gawin. Nakakapit pa rin siya sa director kaya all you can do is be nice to everyone and just love everyone around you.’Yun talaga ang kailangan kong matutuhan,” bulalas pa ni Xian.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …