MULING binuhay ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga alegasyon na may mahigit P2 bilyong piso na itinatagong yaman si Pangulong Rodrigo Duterte sapol nang manungkulan bilang alkalde.
Sabi ng Senador mas matindi umano ang mga ebidensiyang nakalap niya kaya wala na umanong lusot ang Pangulo.
Bukod sa nasabing halaga ng salapi ay marami umanong pag-aari na bahay na ipinangalan sa sa isang Cielito Avanceña.
***
Akala ng lahat, sa biglang pananahimik ni Senador Trillanes, tapos na ang isyung ito, ‘yun pala, nangangalap lamang ng mga ebidensiya na muli niyang pasasabugin. Talagang si Trillanes ay isa sa pinakamahigpit na kritiko ni Pangulong Duterte.
Tila sa pagkakataong ito, matibay nga ang mga hawak na dokumento ng bank accounts ng Pangulo, mga perang deposito sa account ni Avanceña na dummy umano ng Pangulo sapol noong 2006 hanggang 2015.
Paanong nagyari ‘yun ? Nasaan na ang sinasabing bawal sa mga banko na kumuha ng kopya ng mga bank accounts ng ibang tao?
Puro akusa lang naman, pero ngayon saan galing ang mga dokumento ni Trillanes? Kung may katotohanan ito, nakakatakot pala mga banko ngayon!
***
Tinawag na UGOK ni presidential son and Davao city Vice Ma-yor Paolo Duterte, si Senador Trillanes sa mga akusasyon laban sa kanilang pamilya. Dapat daw sumailalim sa psychiatric test ang Senador dahil nasisiraan na umano ng ulo!
MGA POLICE SCALAWAGS
NA ITATAPON SA BASILAN
Inaatake ng nerbiyos ngayon ang mga Police scalawags na ipapadala sa lalawigan ng Basilan, dahil sila ang ipantatapat sa mga bandidong grupo. Bakit hindi nenerbiyosin ‘e ni baril yata hindi marunong gumamit? Hindi muna isinabak sa matinding pagsasanay lalo na ‘yung may malalaking tiyan. Parang pinatay na ang mga police scalawags na ‘yan. Ngayon nila patunayan na tunay silang mga pulis na handang maglingkod sa bayan.
***
Maging mga pamilya ng mga ipa-dadalang police scalawags ay na-ngangamba na baka iyon na ang katapusan ng kanilang minamahal na kasama sa ipapadala sa Basilan. Ang iba ri-yan ay nabuhay nang marangya dahil sa kawalang-hiyaan na ginamit ang kanilang uniporme sa kabalba-lan at katiwalian imbes protektahan ang sambaya-nan ay mga ilegal ang pinoprotektahan! Mas mainam na ang desisyong ito kaysa sila ang ma-tokhang.
SELYO SA BAHAY
NA “DRUG FREE”
Kapag naselyohan ang inyong bahay, ibig sabihin walang gumagamit o nagbebenta ng ilegal na droga ang nakatira sa bahay ninyo. Ito ang plano ng ahensiya ng DILG. Parang hindi ako kombinsido, dahil puwedeng gamitin ang bahay na may selyo na pamugaran ng ilegal na droga, at dahil may selyo ang bahay, lusot na ang ilegal na droga! Mali ba o tama? Saan ba lulugar ang mga ilegal? Siyempre doon sa hindi pagdududahan.
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata