Monday , October 7 2024

Field trip: Ang opisyal na ‘lakwatsa’ at ‘raket’ sa mga eskuwelahan

MAGANDA naman sana ang layunin ng mga planong field trip o camping sa bawat paaralan.

Pasyal na, educational pa, lalo na kung mga historical and government institutions ang pupuntahan na nasa Metro Manila.

Karagdagan pang kaigihan nito kung may kamalayan sa kasaysayan ng bansa at responsable ang mga gurong kasama o gumagabay sa field trip ng mga bata.

Pero ang nakaiinis dito, ‘yung papipirmahin ang mga magulang ng waiver na hindi umano sagutin ng paaralan kung ano man ang mangyari sa mga sasama sa field trip.

Wattafak!?

Katulad nang nangyari sa field trip ng Bestlink College of the Philippines. Bahagi umano ito ng National Service Training Program (NSTP) sa kolehiyo.

Ang NSTP ang ipinalit ng CHEd sa ROTC.

Ang NSTP ay may integration/immersion o community service bilang bahagi ng pagpapanday sa college students. Maganda rin ang layunin nito kung hindi gagamitin sa lakwatsa at raket.

Doon pumapasok ang ‘in bad faith’ sa mga field trip na ginagawa ng iba’t ibang paaralan.

Noong araw, mga private schools lang ang may field trip, ngayon kahit sa public schools uso na rin ito lalo kung ‘magaling dumiskarte’ ang principal.

WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)
WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)

Ang nangyari sa Bestlink College of the Philippines sa Novaliches, Quezon City, ay hindi malayong maulit sa iba pang paaralan na nagpapa-field trip.

Lalo na kung ginagawa itong raket ng mga eskuwelahan.

Mantakin ninyo, may panakot pa na hindi makapapasa ang estudyante kapag hindi sumama?!

Raket dahil, mataas ang singil pero imbes 50 students lang sa bus ginagawang 60 to 70 ang pasaherong estudyante at guardians.

At talagang nagiging overpriced lalo na kung ang inaarkilang sasakyan ‘e de-aircon nga pero mainit, mabantot at parang kakarag-karag.

Kumbaga, pintura lang ang bago pero pudpod ang gulong, brake pad at bulok ang makina.

Siyempre, hindi naman gusto ng Bestlink College na mangyari ang ganyang klase ng disgrasya sa kanilang mga estudyante.

E ‘di lalo na ng mga biktima at mga kaanak nila.

Walang tao na gustong mamatay sa isang kahindik-hindik na pamamaraan.

Pero kung babalikan ang mga paghahandang ginawa roon makikita kung sino ang mayroong malaking pananagutan sa nasabing disgrasya.

Unang-una na nga ang pagtakas sa responsibilidad ng isang paaralan sa pamamaraan ng pagpapapirma ng waiver. Doon lang, kitang-kita, na tumatanggi sa responsibilidad ang paaralan.

‘E mukhang sila mismo walang tiwala sa field trip nilang ‘yan!?

Kung field trip, ang dapat na nagpapirma ng assurance na ligtas ang kanilang mga anak ay mga magulang sa may-ari ng paaralan. Hindi ‘yung paaralan na nagpapapirma ng waiver sa mga magulang.

Baka kung isa lang ang naging biktima riyan, tuluyan nilang takasan ang kanilang responsibilidad dahil sasabihin nila pumirma sa waiver ang magulang at isolated case lang.

The best solution dito, maging creative ang mga paaralan kung paano ipakikita sa mga estudyante ang historical places na madalas puntahan ng mga field trip.

Sa panahon ngayon ng electronic world at hi-tech gadgets, madaling-madali nang gawin ‘yan sa loob ng isang school auditorium.

‘Yan naman ay kung talagang hindi raket at lakwatsa ang habol ng mga nagpapakana ng field trip na ‘yan.

DepEd Secretary Leonor Rivera and Commission on Higher Education (CHEd) Chair Patricia Licuanan, wala pa kaming naririnig sa inyo kung ano ang masasabi ninyo sa disgrasyang ito na ang mga biktima ay maaaring mga kabataang pag-asa ng kanilang pamilya.

Kumusta na po, Secretary Briones and Chairwoman Licuanan?!

Hello? Are your lines still busy?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN

ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *