SA kumpulan ng press ay puring-puri si Coco Martin dahil nairerekomenda niya at nabibigyan ng trabaho ang mga artistang walang project at mga dating kasamahan sa indie noong araw.
Magagaling naman kasi ang mga artistang ito kaya nabibigyan ng role sa kanyang primetime serye. Balita rin na naging maayos ang TF ng mga ito at hindi binarat.
Balita nga namin ay napaayos ng isang actor ang bahay niya dahil nakaipon siya sa matagal-tagal niyang guesting sa soap ni Coco.
Tunay na Primetime King si Coco dahil nakatutulong sa mga kapwa artista na ngangailangan ng trabaho.
TALBOG – Roldan Castro