Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, dating ham actor na humahakot na ng award

GUSTONG makasama ni Xian Lim si Arci Munoz nang tanungin kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho after Kim Chiu, Bea Alonzo, at Angel Locsin.

Willing din ba siya na magpa-sexy at magpakita ng behind sa pelikula?

Okey lang ‘yung mag-topless , mag-boxer short, mag-underwear pero ‘wag muna ‘yung magpakita ng puwet.

“Oo naman. Kung kailangan naman sa story at hindi para lang sa kalaswaan… may sense kung bakit ginagawa ‘yun,” pakli pa niya.

Gusto rin niyang makasama sina Anne Curtis at Sarah Geronimo.

Anyway, masaya si Xian dahil nakadalawang Best Supporting Actor Awards na siya para sa pelikulang Eveything About Her. Nahihiya siya na sinasabi na Best Supporting actor siya kasi hindi siya sanay na pinupuri.

Rati kasi ay nilalait ang akting niya, sinasabing ham actor pero ngayon ay humahakot na ng awards.

“Grateful lang talaga ako sa lahat ng nangyari. Nagpapasalamat  ako kay Direk Joyce (Bernal), Ate Vi, at Angel na tinulungan ako. Buong puso akong tinanggal doon sa pelikula,” deklara ni Xian.

“Overwhelmed at hindi ko ini-expect noong ginagawa namin ‘yung pelikula, sobra akong kabado,” sambit pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …