Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, over protective kay Kathryn

NATUTUWA si Kathryn Bernardo na hindi siya itinatago ni Daniel Padilla. Very vocal si DJ kung ano ang nararamdaman niya sa dalaga. Makikita rin paminsan-minsan ang holding hands nila, pagyakap, pag-akbay, at pag-aalaga sa kanya. Malaking bagay iyon sa dalaga.

“Hindi ako sanay na hindi ko siya inaalalayan. Alam mo ‘yun?Galing ko rin, ano? Hindi loko lang ha!ha!ha!,” deklara ni DJ. ”Na-spoiled ko masayado,” pagbibiro pa ni Daniel.

Pero idiniin ni DJ na hindi siya sanay na magpaka-sexy si Kathryn sa mga susunod nitong proyekto. Pampersonal lang ang mga sexy photo ni Kath na kinunan sa Boracay at nai-post sa social media.

“Pero darating naman ‘yun. Parang normally, naturally darating ka sa point na gagawin mo na rin ‘yung ganoon dahil ganoon naman talaga. Pangit ‘yung pipilitin mo,” deklara ng actor.

Lagi namang nagpapaalam si Kathryn ‘pag gagawa ng mga maseselang eksena.

“Lagi, lagi ‘yan. Minsan pinag-aawayan pa namin pero siyempre, pinangangalagaan ko lang din naman siya. Hindi naman sa masyado akong overprotective pero siyempre iniisip din naman natin ‘yung mga iisipin ng mga tao, ‘yung fans, siyempre ng mga supporter dahil marami tayong mga batang supporters. Ayaw natin silang mabigla. Gusto natin ‘yung nakasasabay pa rin sila sa amin,” bulalas pa ni Daniel.

Bakit very vocal na sila ni Kathryn ngayon?

“Limang taon na ..ha!ha!ha! Nakakasawa na ‘yung mga pasada..pasadang sagot, eh,” pakli niya.

Twenty seventeen na, ano ba talaga ang status nila?

“Obvious na ‘yun. Alam niyo na ‘yun,” tugon pa ni DJ.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …