MAHIGIT limang taon pa ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero ang Liberal Party ay naghahanda na sa muling pagsabak sa susunod na halalan. Muli nilang pinalalakas ang LP. Hindi umano bilang politikal, kundi isang multi-sectoral party
***
Abala sa mga pagpupulong ang mga kinatawan ng LP, kabilang dito si Vice President Leni Robredo. Kabilang sa pinag-uusapan ang strategic plan ng mga miyembro ng LP, ngunit sa kanilang pulong ay konti lamang ang dumalo, kabilang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Ang isa sa plano ay reorganisasyon ng LP na ang mamumuno ay si Senador Kiko Pangilinan.
***
Paanong darami ang dadalo sa LP? Sa aking pagkakaalam ay marami na ang lumipat kay Pangulong Duterte, sa takot na maimbestigahan ng Pangulo ang ilang corrupt na opisyal ng lokal na pamahalaan at sangkot sa drug trade. Ang ilan naman ay tumanggap ng pera sa mga drug lord.
***
Sa pagkakapuwesto ni Vice Presidente Robredo, marami na ang nagsabi na hindi mamamatay ang Liberal Party, bagkus si Robredo ang kanilang instrumento para manatili ang tibay ng partidong nabanggit. Hindi pa lamang natin alam kung si Robredo ang kanilang manok sa susunod na eleksiyon!
Manalo naman kaya?
***
Tama ang sinasabi nang marami, kapag natikman na ang buhay politiko, mahirap nang iwanan. Hindi dahil sa sarap na may puwesto kundi sarap ng mga biyayang dumarating. Noon sabi ni Robredo sa isang interbyu, patuloy siyang sasakay ng bus pauwi sa Bicol, nangyari ba? Kaya umano hindi ito nasunod, sa takot o pangamba na baka may mag-interes na likidahin siya, sino ang gagawa?
***
Sakaling likidahin si Bise Presidente, tiyak mamamatay ang Partidong LP dahil alam ng lahat na si Robredo ang susi para manatiling buhay ang Liberal Party. Kaya nga maaga pa heto at naghahanda na ang mga miyembro nila!
CONDOM SA MGA ESTUDYANTE
Tama lang na pigilan ang pagkakaloob ng condom sa mga estudyante, dahil puwedeng mas lumakas ang loob ng mga kabataan na magkaroon ng sexual intercourse sa mga babaeng nagbebenta ng aliw, dahil iniisip nila ay safe sila.
***
Siguro mas dapat na bigyan ng condom, ang mahihirap na pamilya na wala nang makain ay anakan nang anak pa. Marami niyan, kahit sa kariton lang nakatira ay nakagagawa pa ng anak. Ang gawin ng DOH lahat ng City Health Office sa mga Pamahalaang lokal ay magsagawa ng survey sa mahihirap na maraming anak!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata