Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina no pansin ang boys, focus muna sa career

SA bagong serye ng ABS-CBN 2 na The Better Half ay gumaganap si Shaina Magdayao bilang si Camille na asawa ni Marco na ginagampanan ni Carlo Aquino.

Sa totoong buhay ay wala pang better half sina Shaina at Carlo. Kung tutuusin, puwede na naman silang mag-asawa dahil nasa tamang edad na sila.

Sa presscon ng serye, tinanong namin sina Shaina at Carlo kung kailan nila planong magkaroon ng better half.

Sabi ni Shaina, ”Well, as much as I would like to, parang mayroon pa akong purpose kung bakit ako nandito pa sa industriya. Maski ako dumating sa point na kinuwestiyon ko.

“But this afternoon, after this presscon, I’m signing and renewing again for two more year sa ABS-CBN.

“So, medyo iho-hold muna natin siya ng kaunti ulit.

“Oo naman puwede naman siyang pagsabayin (career at buhay may-asawa) but sa ngayon, nao-overwhelm ako sa ganda ng pagpasok ng 2017 ko and napaaga pa ang airing namin ng ‘Better Half’, na parang naka-set siya na akala ko midyear pa.

“Ayun, maraming  dumarating ng blessings. As much as possible, gusto kong i-direct ‘yung full attention ko (sa career) kasi hindi biro ‘yung mga naibibigay na projects sa akin ngayon.

“So, siguro this is the first time in years, na parang na-renew din ‘yung passion ko and I hope makita ninyo kung paano namin ginawa ‘yung role.

“Ako personally, sobra ko siyang niyakap, sobra kong niyakap si Camille. Naiintindiihan ko ‘yung struggles niya in life. And I guess lahat tayo bilang mga nagmahal na at one point in our lives, nag-decide rin tayo na maybe it’s about time to move on.

“Lahat tayo makare-relate sa struggles ni Camille.

“So, more than anything, ito ‘yung baby ko ngayon. Medyo malayo-layo pa. Pero malalaman ninyo po kapag natagpuan ko na ang aking better half. That’s for sure,” mahabang paliwanag ng aktres.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …