Saturday , November 16 2024
Malacañan CPP NPA NDF

NDF deadma sa ‘paandar’ ni Andanar sa peace talks

HINDI kikilanin ng kilusang komunista ang ano mang pahayag ng opisyal ng administrasyon kaugnay sa negosasyong pangkapayapaan, maliban kung manggagaling ito kina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, at government peace panel chairman Silvestre Bello III.

Sa panayam ng Hataw kahapon, sinabi ni Satur Ocampo, independent observer ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa peace talks at dating Bayan Muna party-list representative, hihintayin nila ang mga opisyal na pahayag ng Pangulo at ng dalawang government peace process officials, hinggil sa magi-ging kapalaran ng peace talks.

Ang pahayag ni Ocampo ay kaugnay sa sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar sa radio interview, na wala nang balak bumalik sa hapag ng negosasyon ang administrasyong Duterte.

“(A)s far as the negotiation with the CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) is concerned, there’s none, that’s finished,” tugon ni Andanar nang tanungin sa posibilidad na uusad pa ang peace talks.

Sa kanyang talumpati sa Surigao City kamakalawa, sinabi ng Pangulo, umaasa siyang maaayos ang hindi pagkakaunawaan ng gobyerno at kilusang komunista.

“Walang problema ang komunista o kapitalista basta mauna ang Filipino. Our conflict (with the communists) could be resolved soon,” giit ng Pangulo.

Nauna rito, ipinatigil ni Duterte ang peace talks, ibinasura ang idineklarang unilateral ceasefire, at ipinawalang bisa ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).

Nanawagan ang iba’t ibang peace advocates, pati na si CPP founding chairman Jose Ma. Sison, kay Duterte na konsultahin ang kanyang peace advisers at ipagpatuloy ang peace talks.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *