BUKAS si Martin Del Rosario sa role na all-out-gay. Okey lang sa kanya na may love scene sa kapwa niya lalaki. Pero depende sa story.
Pero ipinauubaya pa rin niya sa manager niya ang lahat. ‘Pag tinanggihan ng management ay wala siyang magagawa.
Kahit macho dancer ay gagawin niya dahil hindi pa rin niya nagagawa. Okey lang na magsuot ng skimpy trunks basta maganda ang istorya at pang-award.
Type rin niya na someday ay maging Best Actor.
“Isa siya sa goals ko, pero hindi ko siya tinatrabaho, hindi siya nauuna sa isip ko na, ‘Itong project na ito pang-Best Actor ito!’
“Kasi stress ‘yun. At saka ano lang, ako ginagawa ko lang talaga ‘yung pinaka-best ko sa lahat ng ginagawa ko,” deklara niya.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro