Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, ipon muna bago mag-babu sa pagka-binata

Sabi naman ni Carlo, ”Kami naman ni Tin (Kristine Mei-Nieto, GF ni Carlo), masaya naman kami. Siyempre may tinatahak akong career tapos siya naman nag-aaral ngayon. Nag-iipon pa rin hanggang ngayon at ‘yun nga, may mga plano pa kami na gustong gawin bago kami mag-settle down.”

Bilang mag-asawa ay may lovescene sina Carlo at Shaina sa The Better Half at may lovescene rin si Carlo kay Denise Laurel. Ayon kayCarlo, hindi siya nailang na gawin ang eksenang ‘yun with Shaina and Denise.

Aniya, ”Unang-una kasi importante ‘yung komportable ka sa katrabaho mo ‘di ba? ‘Yun nga eversince mga bata pa kami, nakilala ko na si Shaina. Tapos si Denise naman, nakatrabaho ko na sa iba’t ibang network.

“So ‘yun ‘yung ano sa akin.. na komportable ako sa kanila at saka siyempre komportable sila sa akin. At saka ‘yung respeto at saka ‘yung professionalism ng trabaho, ‘di ba? Dapat professional ka.”

For the record nagkasama na sa pelikula sina Carlo at Shaina sa series ng pelikulang Ang Tanging Ina na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas na gumanap sila rito bilang magkapatid. Kaya naman nasabi ni Carlo na komportable na sila sa isa’t isa ni Shaina.

Ang The Better Half ay ipapalabas na simula ngayong Lunes, February 13 pagkatapos ng It’s Showtime.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …