Monday , October 14 2024

Exemption ng BIR sa SSL sinusuportahan ng Kamara at Senado (How about Customs and Immigration?)

SA layuning maikapon ang korupsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), iminungkahi ng mga empleyado rito na maging exempted sila sa Salary Standardization Law (SSL) na mukhang kinatigan naman ng Kamara at Senado.

Sa katunayan naghain na ng panukala si House Speaker and Davao del Norte Rep. Pantaleon D. Alvarez at si ways and means committee chair, Quirino Rep. Dakila Carlo E. Cua, ang House Bill No. 4973, na naglalayong huwag saklawin ng Republic Act No. 6758 o SSL ang mga taga-BIR.

Sa Senado naman, nagpahayag na ng commitment si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na maghahain ng kanyang version ng nasabing batas at si Senate ways and means committee chair Sen. Juan Edgardo Angara ay naghain na ng Senate Bill No. 1314 para rito.

Ito ‘yung BIR compensation and position classification system (CPCS) para sa lahat ng manggagawa, full-time o part-time, o kahit basic compensation ang tinatanggap.

Nakahihikayat naman talaga sa mga empleyado na huwag nang pumatol sa kahit anong ‘transaksiyon’ na nagbubulid sa korupsiyon kung magkakaroon sila nang ganitong proteksiyon mula sa pamahalaan.

Ang puna lang natin dito, mula naman sa simula ay alam nilang hindi mataas ang suweldo sa gobyerno lalo na kung ang posisyon ay pangkaraniwang kawani.

Tanging mga opisyal ang nakatatanggap ng sahod na P30,000 hanggang P60,000 habang sa mga government owned and controlled corporations (GOCC) ay may suweldong mula P35,000 hanggang P135,000 o higit pa gaya sa SSS.

Ibig nating sabihin, ang trabaho sa gobyerno ay may sakripisyo. Pero hindi ibig sabihin na kung nagsasakripisyo at nagtitiyaga sa maliit na suweldo ay mayroon nang lisensiyang pumasok sa mga transaksiyon na lumalabag sa anti-graft and corrupt practices.

Kaya nga ‘yung mga GOCC ang ginagawa, nagpapasa ang Board nila ng resolution na itaas ang sahod nila. Gaya ng ginawa ng Central Post Office, SSS, GSIS at iba pang malalaking GOCC.

Kaya siguro naisip din ng BIR na itaas naman ang suweldo ng mga empleyado.

Wala naman pong tutol diyan. Kailangan talaga ‘yan.

Pero ang isa pang tanong, paano naman ang ibang ahensiya na katulong ng BIR sa pag-aakyat ng pondo sa kabang yaman ng bansa, gaya ng Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Immigration (BI)?

Kung gagastos din naman ng milyones sa deliberasyon ng nasabing House Bill, bakit hindi pa isabay ang para sa Customs at sa Immigration?!

Kung seryoso ang Kongreso (Kamara at Senado) na maikapon ang korupsiyon sa mga sinasabing corrupt-ridden agencies, palagay natin ‘e dapat nang unahin ‘yang tatlong ahensiya na ‘yan.

Ano sa palagay ninyo Speaker Alvarez and Senate President Koko?!

Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *