ANO kaya ang dahilan, sa mahigit na 5,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay 1,039 ang na-promote ang ranggo mula sa Chief Inspector, Senior Inspector, Police Commissioned Officers at Police Non-Commissioned Officers?
Nangangahulugan na almost wala pa sa 25 percent na mga aplikante para sa promotions ang hindi naisama.
***
Sadya bang mahina ang ating mga pulis o sadyang hinihigpitan nang todo ang promotion upang sa gayon ay hindi mapintasan ang mga opisyal ng PNP pagdating ng araw. Ipuwera mo pa rito ang mga may backer na opisyal, na hindi na yata maaalis sa kultura ng PNP.
PLUNDER CASE
KAY SEN. ENRILE TULOY
Matanda na pero tuloy pa rin ang kasong Plunder laban kay Senador Juan Ponce Enrile dahil ibinasura ng 3rd Division ng Sandiganba-yan ang apela ng dating Senador na ma-dismiss ang kasong plunder laban sa Senador. Inihain ng mga abogado niya ang Motion to Quash the Information dahil hindi raw sapat ang ebidensiya laban sa Senador.
***
Dahil may edad na ang dating Senador, abu-tan pa kaya niya nang buhay ang kasong kinasasangkutan niya dahil sa napakatagal na nito? Dahil mahuhusay ang mga legal counsel ni Enrile, iba’t ibang apela at kasagutan upang ma-delay ang desisyon sa dating Senador, baka patay na ang Senador e dinidinig pa ang kasong kinasasangkutan niya! Habang sina Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ay nakabilanggo sa PNP Custodial Center.
Ang dalawa, medyo bata pa, maaabutan pa nila anoman ang sentensiyang naghihintay sa kanila!
***
Hindi naman kayang ubusin ng mahuhusay na abogado ang salapi ng tatlong Senador. Sa dami ng kinita nila na kasalukuyang naka-invest sa iba’t ibang negosyo, mani-mani lang ang ginagastos ng tatlong Senador sa kanilang mga kinasasangkutang kaso. Si Enrile ay kasalukuyang malaya dahil sa pagpayag ng Korte Suprema.
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata