SA pagbubukas ng 2017, nananatiling nangunguna sa buong bansa ang ABS-CBNnoong Enero dahil mas maraming mga manonood mula sa urban at rural homes ang nagpakita ng suporta sa mga programang nagbibigay inspirasyon at nagpapalaganap ng aral at pagmamahal.
Nakapagtala ang Kapamilya Network ng average audience share na 44% base sa datos ng Kantar media.
Hindi nagpahuli ang ABS-CBN sa top 20 most watched programs sa bansa dahil 15 dito ay mula sa Kapamilya Network. Numero uno sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano, na may average national TV rating na 37.2%.
Sumunod ang reality-talent program na Your Face Sounds Familiar: Kids, na tampok ang pinaka-cute at talented Kapamilya child stars, na may 35.2%. Naging patok din ang mga aral sa Wansapantaym sa pagtala nito ng 30.1%.
Nakakakuha naman ng national TV rating na 30% ang MMK sa patuloy nitong pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga totoong kuwento ng mga Filipino.
Agad din naging patok ang My Dear Heart sa pagpapaalala nito sa mga manonood sa kapasidad ng taong magmahal, na nakapagtala ng 28.5%. Hindi rin nagpahuli ang katatapos lang na seryeng Magpahanggang Wakas na may 25%.
Kasama rin sa Top 20 ang TV Patrol (28.8%), Magpahanggang Wakas (25%),”Home Sweetie Home (24.9%), Goin’ Bulilit (23.1%), A Love to Last (22.7%),TV Patrol Weekend (18.6%), Ipaglaban Mo (17.7%), Minute to Win It Last Man Standing (17.7%), Doble Kara (17.4%), at It’s Showtime (16.8%).
ni ROLDAN CASTRO