Sunday , December 22 2024

Presidential task force sa media killings

Dragon LadyKAPURI-PURI ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatatag niya ng Presidential Task Force on Media Killings, hindi nangyari ito noong administrasyon ni Pinoy. Sa wakas ay matututukan ang mga insidente ng pagpatay sa mga mediamen, dahil sa pagbubulgar ng ilang tiwaling opisyal.

***

Mas marami ang pinapatay na mga broadcaster partikular sa mga probinsiya, matatapang ang mga killer, kahit nasa loob na ng studio booth ay walang habas na pinapatay ang mga broadcaster, kaya maraming kapatid natin sa industriya ang labis na natuwa sa administrasyong Duterte, dahil matututukan na rin ang problemang ito ng mga nasa industriya ng pamamamahayag.

***

Ang AO1 ang unang Administrative Order na nilagdaan ni Pangulong Duterte. Ang nasabing order ay bilang tugon sa mga ulat at puna sa pandaigdigang ahensiya. Kasama ang United Nations sa Human Rights Watch World na isa ang Filipinas sa mga pinakadelikadong lugar o bansa sa mundo para sa mga mamamahayag na basta na lamang pinapatay o nawawala at wala ni isang suspek o may kagagawan ng krimen ang nadadakip o napaparusahan.

***

Ang mandato ng itinatag na Presidential Task Force  on Media Killings ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamahayag at tugisin ang mga salarin na gumaganap sa kanilang tungkulin, para sa isang malayang lipunan at pamumunuan ni DOJ Secretary Vitallano Aguirre.

DOLE MAY IMBESTIGASYON

SA NASUNOG NA HTI

FACTORY SA CAVITE

Maging patas naman kaya o may katotohanan sa dami ng namatay na mga manggagawa ang gagawing imbestigasyon ng DOLE sa nasunog na HTI factory sa Cavite Export Processing Zone ?

***

Maraming FB users ang nakabasa sa social media ng bilang ng mga namatay mula sa isang grupo mula sa lalawigan ng Cavite. May nagsabi na may bilang na 79 ang nasawi, ngunit ito raw ay walang katotohanan. Ngunit isang source ng inyong lingkod ang nagkuwento, miyembro siya ng Fire Marshall na nakabase sa loob ng compound ng HTI factory. Habang siya ay gumagapang sa loob ng nasusunog na gusali ng factory ay marami siyang nadaanan na  mga walang malay na mga empleyado, na hinihinala niyang mga biktima ng suffocation, na posible rin na patay na at kasama sa mga nasunog.

***

Ang mga miyembro ng Fire Marshall na nakabase sa loob ng factory ay lagi umanong nanalo sa mga kompetisyon ng fire drill sa buong bansa, ngunit ang naganap na sunog sa nasabing factory ay hindi na nakaya dahil sa sobrang bilis ng pagkalat ng apoy.

***

Ang papel ng DOLE ay upang bigyan o pagkalooban ng emergency employment program ang mga mangagawa na nawalan ng trabaho. At halagang P30,000 sa mga nabiktima ng sunog, paano naman ‘yung mga napabalitang namatay kung totoo man, at paano naman ‘yung tuluyan nang magiging imbalido dahil naputulan ng kamay o wala nang kakayahang magtrabaho?

***

Isa pa lang ang kinompirmang namatay na si Jerome Sisnaet empleyado ng House Technology Industries, dahil ito ay nadala pa sa hospital, paano ‘yung mga naging abo at hindi na narekober? Ayon sa aking impormasyon, kailangan daw talagang itago ang bilang ng namatay dahil makaaapekto ito sa Filipinas, dahil baka alisin dito ang International manufacturer. Ganoon? Huling insidente ng sunog na nangyari sa nasabing factory ay taong 2013, na ayon sa impormasyon ay maraming namatay ngunit hindi nabulgar.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *