SA history ng ating bansa, ngayon lang nangyayari na ang isang pari at pangulo ng Filipinas ay nagkakairingan, gaya ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani at Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos sabihin ng Pangulo na may dalawang asawa si Bishop Bacani.
***
Ayon sa buwelta ng Bishop sa Pangulo, kung kinakailangan mangutang siya ng P10 milyong piso para ibigay kay Pagulong Duterte kapag napatunayan ng Pangulo na may dalawa siyang asawa, sabi ni Bishop, naawa siya kay Pangulong Duterte kaya ipagdarasal na lamang niya at kung wala lang umanong Immunity from suit ang Pangulo baka sakaling sinampahan niya ng kaso. Pero tuloy pa rin umano ang isasampa nyang kasong Defamation at Libel laban sa Pangulo.
***
Ayon sa Bishop, sa harap ng mga pamilya ng mga nasawing 44 miyembro ng SAF, sa talumpati ng Pangulo ay binantaan umano nito ang simbahang Katoliko dahil umano sa pakikialam ng simbahan sa kanyang kampanya laban sa droga, at tinawag pa umano ng Pangulo ang mga lier ng simbahang Katoliko ng “Full of Shit,” bukod sa pambungad na talumpati ng Pangulo, ay sinabi umano na mayroon siyang dalawang asawa, at bilang tugon ni Bishop Bacani, ni isang asawa ay wala siya, ngunit dalawang asawa pa umano ang binanggit ng Pangulo.
***
Hindi na yata maganda ang nangyayari sa ating bansa, sa aking opinyon bilang mamamayang Filipino, ang isang lider ng Simbahang katoliko, hindi dapat minumuta, kahit ikaw pa ang pinakamataas na pinuno ng bansa! Ang …ting Pangulo na tangap nang nakararami sa kanyang pagmumura, hindi tama na maging ang lider ng simbahan o Pari ay murahin, dahil sila mismo ang nagsasabi na hindi maganda sa isang tao ang nagmumura, na kung galit sa isang tao ay ipagdasal sila!
***
Kung patuloy ang Pangulo ng bansa sa pagmumura at walang sinisinong tao, hindi kaya ang Pangulo ay magng ehemplo ng mga kabataan na maging mga nakatatandang kapatid o kanilang magulang ay pagmumurahin? Hindi ko alam kung ano ang relihiyon ni Pangulong Duterte. At hindi ko rin batid kung galit siya sa simbahang Katolika, ang tanging alam ko kaya siya galit dahil kontra ang Simbahang katoliko sa programa ng Pangulo laban sa mga ilegal na droga.
***
Una nang sinabi ni Bishop Bacani na suportado niya ang anti-drug war ng pamahalaan, pero huwag naman sa puntong kailangan nang pumatay ng tao para lamang magtagumpay. Sa isang banda, nagbago ang lahat, dahil sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga, nabawasan nang malaki ang krimen sa bansa dulot ng mga taong lulong dito, kaya lang sumobra ang sistema dahil marami ng pinapatay!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata