Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Kylie, aminadong gusto na ring magka-anak

AYON kay  Aljur Abrenica, sa exclusive interview sa kanila ni Kylie Padilla ng Pep.ph, nabastusan daw siya sa management ng girlfriend niya, ang Vidanes Celebrity Marketing (VCM).

Paano raw kasi ay pinangunahan sila nito sa pag-announce na engage na sila ni Kylie. Na sana raw ay sa kanila mismo unang nanggaling ang announcement dahil sila naman daw ang involved sa engagement.

Maiintindihan din daw niya kung si Kylie ang unang nag-post ng confirmation tungkol sa kanilang engagement dahil sa aktres naman daw siya nag-propose.

Sinabi pa kay Aljur, tatlong beses siyang nag-propose kay Kylie. Ang una raw ay noong Japan trip nila ng October last year. Ang sumunod daw ay noong bumalik na sila ng ‘Pinas ng November. At ang huli ay noong nagli-live in na sila.

Nag-decide raw silang mag-live-in na para malaman nila kung compatible sila, kung click sila sa isa’t isa.

Ayaw nilang tumulad sa ibang showbiz couple na pagkatapos magpakasal ay umabot din sa puntong naghiwalay.

Inamin na rin ni Kylie sa interview sa kanila na totoo ‘yung mga naglalabasang buntis siya.  Nasabi na rin daw niya ito sa kanyang mga magulang na sina Liezl Sicangco at Robin Padilla.

Noong nagpa-pregnancy test  siya at nakompirma niyang buntis siya, ay agad daw niyang tinawagan ang kanyang ina, na naka-base na sa Australia para sabihin ang kanyang sitwasyon.

Ang payo  sa kanya ng ina ay huwag ipalalaglag. Nalaman naman  ito ni Robin noong nakasama niya itong mag-dinner kamakailan. Doon niya sinabi na buntis siya. Ang payo naman  nito sa kanya ay alagaan ang kanilang baby.

Ayon pa kay Kylie, gusto na rin naman niyang magka-anak.

O ayan, sa mga basher ni Aljur, alam ninyo na siguro ngayon na gusto na rin namang magka-baby ni Kylie kaya siguro ay titigilan ninyo na si Aljur sa pamba-bash.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …