Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baguhang actor, may attitude na, ‘di pa marunong tumulong sa mga kapatid

NOONG baguhan pa ang young actor na ito ay nakitaan na siya ng mga co-star niya ng ‘attitude’. Napapailing na lang ang mga senior star sa kanya dahil kahit ang taga-timpla ng kape sa set ay sinisigawan daw ng aktor.

Hindi nga raw siya kinibo ng ilang buwan ng bida sa serye dahil sa maling trato niya sa maliliit na staff.

Kulang din siya sa sa sincerity noong makipagrelasyon ito kaya minus point na naman siya sa netizens. Parang ginamit pa niya ang isang TV show sa pakikipag-closure sa GF para magkaroon ng exposure sa telebisyon.

Mabagal din ang pag-angat niya dahil hindi kagandahan ang asal niya.

Bagamat kumikita na siya, hinayaan niyang walang pambayad sa tuition fee ang mga kapatid niya. Pinabayaan na raw niyang huminto sa pag-aaral ang mga ito.

Bagamat responsibilidad ng ama nila na pag-aralin ang mga kapatid niya, wala raw ngayong pinagkakakitaan at nagkasakit pa dahil sa stress.

Mas focus daw ang oras at atensiyon ng young actor sa lovelife niya kaysa kapakanan ng pamilya niya. Hindi siya gaya ng mga sikat nating mga young actor na mababait at tinutulungan ang mga kapatid kaya naman lalong bumobongga ang career.

(Roldan Castro)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …