MALAKI pala ang epekto ng pagkawala ni Kylie Padilla sa telefantasya ng GMA na Encantadia dahil nag-revise sila ng script. May mga eksena na silang tinambak na nasayang at hindi na magagamit.
Ngaragan ngayon sa set at nagjging daily na sila mag-taping dahil sa revision na nangyari.
At dahil tatlo na lang ang Sang’re hindi sila kailangang magpa-late sa calltime nila.
Gayunman suportado ng cast ng serye ang pagbubuntis ni Kylie. Gaya na lang si Glaiza De Castro na masaya nang mabalitaang engaged na sina Aljur Abrenica at Kylie. Naniniwala si Glaiza na dapat ay hindi puro work sa industriyang ito. Dapat ay may personal life rin tayo na kailangan protektahan af pangalagaan. Deserve ni Kylie na gumawa ng desisyon na ikaliligaya niya.
Kitang-kita naman na masaya si Kylie kung anuman ang kalagayan niya ngayon.
TALBOG – Roldan Castro