HINDI pa rin maiwasang itanong si JM De Guzman kay Meg Imperial. Na-link ang dalawa bago pa man nagkabalikan noon sina JM at Jessy Mendiola.
Ayon kay Meg magkaibigan pa rin naman sila ni JM kahit wala na silang diretsahang komunikasyon. Masaya siya para kay JM na nalalapit na ang pagbabalik sa sirkulasyon. Nandiyan lang daw siya para suportahan na maka-recover ang actor.
Hindi rin makasagot si Meg kung magkakaroon sila ng second chance ni JM dahil si Luis Manzano na ang rumored boyfriend ni Jessy. Hindi naman niya isinasara ang pinto at kung ano ang maging destiny nila.
Anyway, napapanahon ang pelikula ni Meg na Swipe. Tumatalakay ito sa paghahanap ng partner sa online dating app.
Aminado si Meg na nasubukan na niyang mag-browse at maghanap ng ka-date sa online sa pamamagitan ng Tinder. Nag-download daw kasi ang kapatid niya at na-curious siya. Nakipag-chat siya sa isang cute pero hindi siya nakipagkita dahil takot siya. Umiral din sa kanya ang medyo isnabera sa mga nagpapa-cute sa kanya sa online dating.
Sinabi rin ni Meg na bagamat nasa modern technology na tayo, hindi na raw mapigilan ang mga millennial pero mag-ingat sila lalo na sa mga personal na information. Hindi naman maitatanggi na may mga krimen na nagaganap dahil sa pakikipagtagpo na nakilala lang sa social media at online dating apps.
Sa pelikulang Swipe ay malalaman kung ano ang kabutihan, kasamaan, at panganib na nakukuha sa pagkuha ng kapartner online. It takes a responsible internet user to be able to swipe right and it’s dangerous when someone goes left. Ang basic rule kasi ay, “Swipe right on the pic if you like, swipe left if you don’t.”
Tampok din sa pelikula sina Loida (Mercedes Cabral) na hinarass ni Leo (Luis Alandy), Gloria (Isabel Lopez) na annulled ang marriage at gumamit ng online chat mate para sa bagong lovelife. Gaganap naman niyang anak si Jiggy (Neil Coleta) na hindi priority ang kanyang romantic affairs at tutok ito sa kanyang online networking business.
Kasama rin si Frank (Gabby Eigenmann), a married executive na aktibo sa gay social dating sites.
Gaganap namang asawa ni Janet (Meg) si Edward (Alex Medina) na gustong magbagong buhay pagkagaling sa drug rehab. Fueled by her addiction and jealousy, she scouts online sites to satisfy her all consuming compulsion.
Showing na ang Swipe sa February 1, produced by Paolo Fernandez and Arnold Argano for Aliud Entertainment, directed by Ed Lejano.
TALBOG – Roldan Castro