Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Miho, daddy na ang tawag kay Tommy

AYON kay Miho Nishida, isang taon na raw tumatakbo ang relasyon nila ni Tommy Esguerra. At sa loob daw ng isang taon, maraming bagay silang natutuhan ni Tommy na nagpatibay sa kanilang pagmamahalan.

Nakilala na rin daw ni Tommy ang kanyang mommy at ang anak na si Aimi mula sa dating nakarelasyon. Si Tommy na raw ang lalaking mamahalin at gustong makasama ni Miho habambuhay.

“Ayaw ko na rin siyempre yung papalit-palit ng boyfriend, tama na. Ayoko na rin ng ganuoon, kaya sana, siya na,”sabi ni Miho. Showing na ngayon ang pelikula mula sa Regal Entertainment.

Nakikita raw ni Miho na kung sakaling sila na nga ang magkatuluyan ni Tommy ay magiging mabuti itong step dad ni Aimi.

“Kasi nga, super-mature siyang mag-isip. Kahit sabihin mo sa kanya na a little piece, ang dating sa kanya, sobrang malalim.”

Ayon pa kay Miho, masaya naman ang kanyang anak sa kanilang relasyon.

“Kapag nakikita niya si Tommy, ang tawag niya, ‘Daddy Tommy.’ Ganoon siya. Ako naman, parang, ‘Totoo ba?’ So, parang sa akin, may kaunting kaba, kasi okay lang ba sa kanya na maging tatay siya? Siyempre, ‘yun din ang iniisip ko, na sana okay din lang sa kanya kasi sa akin, okay.”

Ayon naman kay Tommy, okey lang daw sa kanya na tawagin siyang daddy ni Aimi. Pero iniiwasan daw niyang lumampas sa tamang lugar para hindi nito isipin na siya ang tunay na ama nito.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …