Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pepe, ayaw maapektuhan ang kalusugan kaya tumigil muna sa pagse-serye

NOONG naging bahagi si Pepe Herrera ng top-rating series ng ABS-CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsiyano, na gumanap siya rito bilang si Benny na sidekick ng bidang si Coco Martin, kahit paano ay sumikat o nakilala na siya ng publiko.

Bihira na nga lang daw siyang nakalalabas at nakakapag-window shopping dahil marami na raw ang lumalapit sa kanya para magpa-picture. Pero hindi naman daw siya nagrereklamo, lalo na’t karamihan naman daw na nagpapa-picture sa kanya ay mga bata. Natutuwa naman daw siya na napapasaya niya ang mga ito na mga nanonood ng kanilang serye.

Ipinaliwanag naman ni Pepe ang dahilan kung bakit namatay na ang character niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Bagamat aminadong nalungkot, tinanggap naman daw niya ito ng maluwag sa kalooban.

“Hanggang doon na lang iyong character. Noon pa namang November nag-usap na kami ni Coco at na-extend lang siya,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Pepe, gusto raw muna niyang pansamantalang magpahinga sa paggawa ng serye dahil ayaw niyang mag-suffer ang kanyang kalusugan. Halos araw-araw na raw kasi ang taping nila para rito.

Ngayong wala na nga raw siya rito ay makakapagpahinga na siya at makatutulog na sa tamang oras.

MA AT PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …