TOTOO ba na buntis umano ang isang not-so-young actress na napapanood sa isang malaking show ng isang network?
Handa na kaya siyang panagutan ng isang actor na ama umano ng dinadala niya?
Hindi nakapagtataka kung gustuhin na nilang magka-baby dahil nasa tamang edad na sila.
Hindi kaya magtago ang aktres hanggang maipanganak niya ang baby nila? Abangan natin kung magbabakasyon ito abroad lalo’t malapit na ring magwakas ang kanyang show.
O, buong ningning niyang aaminin sa publiko kung ano talaga ang kanyang kalagayan?
Ready na kaya ang ama ng actress na maging lolo?
Mukhang mababago na ang buhay ng not-so-young actress kung totoong tesbun siya dahil nakatakda siyang tagapangalaga ng isang bata.
(Roldan Castro)