Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Aljur, pananagutan daw ang 3 buwang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla

NANANATILING tahimik ang kampo nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica kahit pinagpipistahan na at pinag-uusapan ang buntis issue sa  Encantadia star. Wala pa ring statement at reaksiyong nakukuha kay Robin Padilla sa napapabalitang kalagayan ng anak.

Maging ang mga kasamahan ni Kylie sa telefantasya sa GMA ay nagulat sa napapabalitang buntis daw ang aktres.

Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tatlong buwan na umano ang ipinagdadalang tao ni Kylie at si Aljur daw ang ama.

Nagkabalikan ang dalawa noong September.

Matunog din ang tsikang pananagutan umano ni Aljur ang ipinagbubuntis ni Kylie. Nasa tamang edad nga naman sila at kaya na talaga nilang magtayo ng sariling pamilya.

Hindi totoo ang alingasngas na naghiwalay na naman ang dalawa. Very much in love raw ang dalawa. Tipong ‘you and me against the world’ ang status nila.

Tinututukan din ang social media account nina Kylie at Aljur pero wala pa rin silang kompirmasyon. Patuloy ang kanilang pananahimik. Pero pinusuan ni Kylie ang isang comment ng netizen na nagtanggol sa ‘buntis’ issue.

“Bakit naman sayang ang career? Nagkaroon lang ng baby sayang na agad? Maraming babae ang hindi nabiyayaan ng anak minsan cla pa ‘yung nagiging dahilan pra mas sumaya ang buhay, nakakalungkot lang isipin na porket nabuntis iisipin nyo agad sayang na agad ang career unfair naman sa baby yun.Wag lang sana niya ­ i-deny dahil magkakaroon xa ng marming ha­ters at kawawa c baby!”

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …