Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, gustong isama ni Zanjoe sa Coldplay concert

MARAMI ang nakapansin sa presscon ng My Dear Heart na fresh at  gumwapo si Zanjoe Marudo. Naka-move on na talaga siya sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo dahil maganda ang aura niya.

Pero pinaninindigan niya na single pa rin siya ngayon. Very positive siya na darating din ang time na mayroon siyang makaka-date at magkakaroon ng kasama. Actually , dalawa nga ang binili niyang tiket ng Coldplay  concert  sa April. Nai-excite siya na baka mamaya dumating at makilala na niya ang makaka-date niya.

Nang tanungin nga siya sa Tonight With Boy Abunda kung ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ni Vice Ganda sa GGV na crush  siya ito, nagbiro si Z kung may ticket na ba si Vice sa  Coldplay.

Sey pa niya, hindi naman daw niya alam kung seryoso si Vice dahil ‘pag nagkikita sila, hindi naman sila masyadong nag-uusap. Nagtitinginan lang daw sila sa malayo at nagbabatian.

Samantala, naging magkaibigan sina Zanjoe at Bea kahit tapos na ang relasyon nila. Walang masamang tinapay sa kanila. Kung nali-link man si Bea kay Gerald Anderson ay hindi isyu ‘yun sa kanila dahil ang wish nila sa isa’t isa ay maging happy. Ramdam din niya na ganoon din si Bea sa kanya, na natutuwa  ito ‘pag may magandang nangyayari sa buhay at career niya.

Anyway, magsisimula na ngayong Lunes, January 23 sa ABS-CBN 2 ang My Dear Heart.

TALBOG- Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …