Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin del Rosario, tinawanan ang pagli-link sa kanila ni Mr. Fu

MAY lumabas na blind item na ang ibinigay na clues ay tumutukoy kina Martin del Rosario at Mr. Fu.  Umano’y nakipag- one-night stand si Martin kay Mr. Fu at after daw ng kanilang pagniniig ay sinisingil ng aktor ang radio/TV personality ng P30,000.

Ayon pa sa blind item, ikinagulat daw ni Mr Fu ang balitang iyon dahil ang buong akala nito’y gusto rin daw ni Martin ang nangyari sa kanila.

Sa isang interview ni Martin ay idinenay niya ang nasabing blind item.

Sabi niya, ”wala po akong alam doon sa mga nali-link sa akin. Ewan ko po kung bakit nila ako inili-link.”

At ang natatawa naman niyang sabi  tungkol sa hinihingi umano niyang P30,000 bilang bayad ni Mr. Fu sa kanya ay, “Talaga ho? Grabe naman! No, hindi po totoo ‘yun.”

Dati, ang tsismis kay Martin ay bading siya. Ngayon naman ay pumapatol siya sa bading. Pero tinatawanan nga lang ng aktor ang isyung ito sa kanya.

Kinuha rin namin ang panig ni Mr. Fu sa pamamagitan ng text messaging. Sabi nito na nagbibiro, “Walang ganap unless siya nagsabi! Chos!.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …