Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, tulay sa pagkakaroon ng BF ni Alex

SA unang pagkakataon, lumantad sa telebisyon ang non-showbiz boyfriend ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa Magandang Buhay. May hitsura ito at bagay sila ni Alex.

Halatang masaya ang actress ngayon at ipinagmamalaki niya na mabait si Mikee.

Lumantad din na si Piolo Pascual ang ‘bridge’ ng dalawa kaya nagkakilala sila.

“Lagi ko siyang tinitingnan through Instagram, feeling ko parang makakasundo ko siya. So lagi kong sinasabi, ‘Pare, pakilala mo naman ako.’ Pero wala, hindi niya ginagawan ng paraan. Parang wala siyang sinasabi sa akin. Until, one day, tumatawag si PJ. Tapos, ‘Pag sagot ko, si Alex ‘yung ano ….,” kuwento ni Mikee.

Kalorky pa nga ang unang usapan nila ni Alex dahil ang akala ni Mikee ay si Maja Salvador ang kausap niya nang sabihin ni Alex ng ‘gusto mo raw akong makilala?’Ang paliwanag ni Mikee, si Maja kasi ang alam niyang close kay Piolo kompara kay Alex.

Ang ending ng usapan ay nag-dialogue si Alex ng, “Kung gusto mo akong makausap, gumawa ka ng paraan.” Hayun, kinuha ni Mikee ang number ni Alex kay Piolo. Tinext daw niya ito kung kailan ito free at kung puwede silang magkita.

Rebelasyon pa ni Alex, noon pa raw sinasabi ni PJ na mayroon siyang friend na may crush sa kanya. Tiningnan pa raw ni Alex ang larawan nito at naguwapuhan naman siya. Ang problema lang noong mga panahong ‘yun ay may idine-date si Alex.

“Sabi ko, kapag malungkot na lang ako. ‘Pag ‘di ito natuloy. Eh, hindi natuloy. Blessing in disguise. Buti nga.”

Noong una ayaw daw nina Mommy Pinty at Toni Gonzaga na makipagrelasyon ito dahil OA raw kasi siya ‘pag nasasaktan. Ayaw nilang masaktan ito ulit. Pero noong bandang huli ay pinayagan na siya.

Sey pa raw ni Toni, first time na may pumapanhik sa bahay nila na dumadalaw kay Alex na may hitsura.

Bwahahaha!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …