Friday , November 15 2024

Dagdag SSS pension tuloy na tuloy

Dragon LadyPOSIBLENG maudlot ang pagtataas ng pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System, dahil may mga kumokontra, ngunit matigas ang Palasyo sa naunang deklarasyon ni Pagulong Rodrigo Duterte na matuloy ito.

***

Hinihintay na lamang ng mga pensiyonado, dahil malaking tulong ang dagdag na isang libong piso, kung sinoman ang kumokontra siguradong hindi sila pensiyonado at may kutsarang ginto na isinusubo sa kanilang bibig!

***

Kamakailan ay ibinasura ng Palasyo ang panawagan na ipagpaliban ang implemantasyon ng pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System(SSS) na nakatakda sa buwan ng Mayo. Masusing pinag-aralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 1.5 % porsiyentong dagdag na kontribusyon ng mga miyembro ng SSS bago niya ito inaprubahan. Gayondin ang mga mababatas, hiling nila ay ipagpaliban na muna dahil ilegal umano. Bakit ganoon? Dadagdagan nga ang pensiyon, itataas naman ang babayaran?

Anyare?

***

Kung magtataas ng bayad ng kontribusyon ngayon sa SSS ang mga bagong kasapi nito, magsa-suffer tiyak ang mga baguhang miyembro dahil ang kakarampot na sahod nila ay makakaltasan nang mas mataas kaysa dati, gayong hindi naman nagbabago ang presyo ng mga bilihin. Kung isasama ang pagtaas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno, hindi na pag-uusapan ‘yan, dahil hindi na mabigat. Kaso, walang pagbabago, kailan pa makukuha ang pensiyon?

Kapag nagretiro ‘di po ba? Hayyyyyyyyy naku!

AMERIKA PA RIN
ANG MALAKING TIWALA

Bansang Amerika pa rin ang nangunguna sa tiwala ng tao kompara sa mga bansang China at Russia.

Ayon sa survey ng Pulse Asia, umabot sa 76 porsiyento ng mga Filipino ang malaki pa rin ang tiwala sa bansang Amerika. Sumunod dito ang bansang Japan na may 70 porsiyento, habang ang bansang China ay may 61 porsiyento, habang ang Russia ay may 58 porsiyento.

***

Iba talaga ang bansang Amerika, kapag nagbakasyon ka rito ay sikat ka, amoy imported ka talaga, at maraming Filipino ang nabago ang buhay mula sa Pinas. Ang pamilya nila ay nadadala roon at naging maayos ang mga buhay. Napetisyon ang kanilang mga anak, kapatid at mga magulang. Kapag naging citizen ka, ang mga Pinoy ay may buwanang sinasahod na disability at kapag nawalan ka ng trabaho, pensiyonado ka ng SSS nila. Sa mga senior citizen, may libreng pagpapagamot at suplay ng pagkain. May mga eskuwelahan na libre ang pag-aaral ng mga Pinoy. Isa lang ibig sabihin nito, tanggap na tanggap ng bansang Amerika ang mga Pinoy!

***

Alam na alam natin kapag nabigyan tayo ng US visa ng embahada ng Amerika, para tayong tumama sa lotto. Lalo kung multiple entry ang ibinigay ng kanilang embahada. Higit sa lahat aprubado ang dual citizenship.

ISUMBOG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *