KAHIT kami ang nasa katayuan ni Mayor Herbert Bautista, iiyak din at magiging proud sa husay ng performance ng anak niyang si Harvey Bautista sa pelikulang Ilawod sa ginanap na celebrity screening. Feeling nga ni Mayor Biskek mas magaling pa si Harvey sa kanya noong mga ganoong edad. Natural umarte si Harvey, wholesome tingnan kahit hinahaliparot ni Therese Malvar sa pelikula.
Inosenteng-inosente ang aura ni Harvey habang sine-seduce siya ni Therese. Nandoong may holding hands, hinahaplos-haplos, hinahalikan si Harvey. Hindi rin malaswa ang shower scene nila at maingat na naitawid ni Direk Dan Villegas.
Aminado si Therese na nahirapan siya sa mga sensual na eksena niya bilang si Isla.
Inalalayan daw siya at tinuruan ni Direk Dan kung paano atakihin ang role, kung paano igalaw ang mga kamay pati ang nang-aakit niyang paglakad.
TALBOG – Roldan Castro