Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, natamisan sa lips ni Jake

SA latest movie ni Angeline Quinto na Foolish Love na kapareha niya  si Jake Cuenca, mula sa Regal Entertainment, ay gumaganap siya bilang si Virginia.

Ayon sa kanya, naka-relate siya sa kanyang role.

“Kaya siguro Virginia ‘yung role ko sa movie, kasi virgin pa ako. Hindi na ho inilayo ‘yung character ko sa totoong buhay,” natatawang sabi ni Angeline.

Patuloy niyang sabi tungkol sa kanyang role, ”Ako po rito ay simpleng babae na may maayos namang trabaho. Ilang taon na lang po, magiging 30 na ako.

“So, sa totoong buhay po ng isang babae, medyo kakabahan ka na kasi baka tumanda kang dalaga.

“Na everytime po na magkakaroon ng pagkakataon na may makikilala akong isang lalaki, like first time kong nakilala pero pinakitaan ako ng maganda, feeling ko siya na ang destiny ko.

“Ang dami ko hong nakilala na lalaki, pero hindi pala sila ‘yung makakasama ko sa buhay. Hanggang sa nakilala ko si Rey, ‘yung character ni Jake. Ay, ayoko nang ikuwento, basta panoorin ninyo na lang ho ‘yung movie.”

Sa Foolish Love ay may torrid kissing scene si Angeline kay Jake na first time niyang ginawa.

“Bagong taon na ho, 2017 na. Hindi naman ho siguro masama ‘yung mag-try ka ng mga bagay na hindi mo pa nasusubukan, ‘di ba?,” paliwanag ni Angeline kung bakit pumayag siyang gawin ang torrid kissing scene with Jake.

“Sobra rin naman po ‘yung tiwala ko kay Direk Joel (Lamangan, direktor ng Foolish Love), na hindi naman ho niya ako pinabayaan sa mga eksena ko sa movie naming.”

Nakaranas na ba siya ng torrid kissing scene sa totoong buhay?

“Hindi pa naman. Pero nakakapanood  ho ako,” sagot ni Angeline.

“Iba ho ‘yung feeling na gagawin mo ito sa pelikula pero na-experience mo sa totoong buhay, mas magiging madali, ‘di ba?

“Siguro kaya rin ho medyo kinabahan at natakot ako noong una, kasi hindi ko pa nga ho ‘yun nai-experience sa totoong buhay.

“Sa totoo lang, lagi akong nagtatanong kay Direk Joel kung paano gagawin ‘yun. Feeling ko nga, nakukulitan na siya sa akin.

“Basta ang sabi niya lang sa akin, gawin ko lang daw kung ano ‘yung alam kong tama.”

Bago gawin ni Angeline ang torrid kissing scene with Jake ay kinausap daw muna niya ito.

“Sabi ko sa kanya,’Jake, first time ko itong gagawin, sana alalayan mo ako.’”

Ano ang lasa ng lips ni Jake?

“Matamis ho,” natatawang sagot ni Angeline bilang pagtatapos.

Showing na sa January 25 ang Foolish Love.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …