Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, ginapang at pinatungan si Ian Veneracion

MAPANGAHAS ang role ni Iza Calzado dahil may daring scene sila ni Ian Veneracion sa Ilawod. Ibinuking ni Direk Dan Villegas na may eksena sila na ‘lack of clothes.’

Ibig bang sabihin ay may love scene ang dalawa at may hubaran na may nagpakitang elemento?

“Basta’t ang alam ko lang tulog ako niyon,” tugon ni Ian sa presscon ng  Ilawod na showing sa January  18. “Sumampa siya sa akin,” dagdag ni Ian.

“Kagapang-gapang naman,” reaksiyon ni Iza.

Yes, ginapang ni Iza si Ian. Ano ang pakiramdam ni Ian?

“Masarap naman,” pakli niya na tumatawa.

Tinukso tuloy si Iza at binigyan ng title na “Gapang Goddess”.

Hindi ba pinilit si Iza sa eksenang ‘yun?

“Papilit talaga? Twenty years old?,” tugon ni Iza.

So, pumatong siya talaga?

“Patong Princess,” sagot ni Iza sabay tawa.

Nagbiro naman si Ian at tinawag si Iza na “Sampa Queen”.

Ayon sa aktres, komportable siya na maghubad sa harapan ni Ian dahil mabuti niya itong kaibigan.

Pero ang ikalulungkot ng mga bading, mas conservative si Ian at palaban naman si Iza.

Anyway, first horror film sa 2017 ang  Ilawod  na prodyus ng  Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions. Kasama rin sa cast sina Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manavat, at  Harvey Bautista.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …