Monday , December 23 2024

Duterte kay Abe: We’re brothers

011517 duterte abe bong go

BINISITA ni Japan PM Shinzo Abe at asawang si Akie Abe ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte at common-law wife Honeylet Avancena sa Davao City at nagsalo sa isang payak na almusal kahapon ng umaga. Hindi tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakataling kulambo sa kanilang silid ni Honeylet at ipinakita ito kay Abe. Sa payak na almusal ay pinagsalohan nila ang biko, suman, kutsinta, at mongo soup. (Mula sa Facebook Account ni Bong Go)

DAVAO CITY – “We’re not only friends, we’re brothers.”

Ito ang pahayag kahapon ni Pangulog Rodrigo Duterte nang bumisita si Japan Prime Minister Shinzo Abe at maybahay na si Akie Abe sa tahanan niya sa lungsod kahapon ng umaga.

Umabot sa halos isang oras ang pananatili ng mag-asawang Abe sa bahay ng mga Duterte at isang simple at katutubong almusal ang kanilang pinagsalohan.

Kasama sa inihaing almusal ng Internal House Affairs Office (IHAO) ng Palasyo ang kinilaw na puso ng sa-ging, ginisang monggo sa tinapa na may spinach, mga prutas gaya ng hinog na mangga, suha at rambutan, at mga kakanin tulad ng kutsinta, puto, biko at suman.

Habang ang kanilang ininom ay earl grey black tea, kape at buko juice.

Inilibot ng mga Duterte ang mag-asawang Abe sa iba’t ibang parte ng kanilang bahay tulad ng kanilang silid-tulugan na may nakakabit pang puting kulambo.

Ipinaliwanag ng Pangulo kay Abe, mula pagkabata ay guma-gamit siya ng kulambo kahit saan siya matulog.

Ikinuwento ng Pa-ngulo kay Abe ang pamumuhay nila sa komunidad gayondin ang magandang relasyon ng kanyang pamilya sa mga kapitbahay.

Humanga ang Ja-panese leader sa payak na buhay ni Duterte lalo na’t kilalang may kamay na bakal sa mga kriminal.

Makaraan ang huntahan sa bahay ay nagtungo sina Duterte at Abe sa joint PH-Japan Business Forum sa Waterfront Hotel at sa “naming ceremony” ng isang Philippine Eagle na inampon ni Abe at pinangalanang “Sakura” na ang ibig sabihin ay cherry blossoms.

Si Sakura ang isa sa mga simbolo nang lumalakas na tambalan ng Filipinas at Japan.

Nagsalo muli sa pagkain ng iba’t ibang prutas gaya ng Durian ang mga Duterte at mga Abe at iba pang opisyal ng pamahalaan bago nagtungo sa Mintal, ang pamayanan ng mga Hapon sa lungsod at itinuring na Little Tokyo ng Prewar Philippines.

Pasado 12:00 pm nang umalis ang mga Abe at kanilang opisyal na delegasyon para magtungo sa Australia, ang susunod na bansang kanilang bibisitahin.

Umabot sa halos isang trilyong yen o P433 bilyon ang ipinangakong ayuda ni Abe para sa ekonomiya at infrastructure invesment sa Filipinas sa susunod na limang taon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *